_ngayon
^

PSN Showbiz

Indie Movie ni Daniel, sa Switzerland unang mapapanood

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Indie Movie ni Daniel, sa Switzerland unang mapapanood
Daniel
STAR/ File

Simula nang gumawa ng pelikula si Daniel Padilla, suwerte siyang kumita ang lahat ng kanyang mga pelikula.

Simula nung una, ang 24/7 In Love, box-office star na siya at ang pinakahuling pelikulang ginawa niya, ang The Hows of Us, ay sinasabing isa sa pinakamalaking box office hits of all time, at bukod doon siya ay nanalo pa ng isang best actor award para sa pelikulang iyan.

Winner ang lahat ng projects na ginawa ni Daniel kahit sa musika.

Natauhan ang mga sinasabing “established singers” nang mag-concert siya at napuno niya ang napakalaking Araneta Coliseum, at maging hit din ang lahat ng kanyang ginawang albums.

Kung sabihin nga “kahit na sa commercials lang, inaabangan ng fans si Daniel. Bakit ba nasa kanya na yatang lahat,” sabi pa ng isang kritiko noon.

Pero ngayon may isang matinding hamon kay Daniel. Gumawa siya ng isang indie. May nagsasabing maganda naman daw ang pelikula, katunayan ay nakuha na nga iyon para sa film festival sa abroad at una ngang ipalalabas sa isang festival sa Switzerland. Pero aywan kung kailan maipapalabas iyan sa Pilipinas eh lugmok pa tayo sa pandemya at wala pang pag-asang mabuksan ang mga sinehan, pero kung maipapalabas nga kaya sa sinehan ang pelikulang iyan kikita kaya?

Hindi dapat na gawin iyang basehan ng popularidad ni Daniel, una sa totoo lang ay wala pa namang pelikulang indie na talagang naging box office hit talaga. Mayroon ngang malalaking artista gumawa ng indie ni hindi nailabas sa mga sinehan noon eh.

Mayroon pa ngang kasali pa sa festival, nakapitong tugtog na raw ng national anthem ang sinehan wala pang nanonood. Kaya kung kami ang tatanungin, kung hindi man kumita ang indie ng Daniel, kung masabi ngang sa kauna-unahang pagkakataon ay makaranas siyang mag-flop, aba eh hindi niya kasalanan iyan. Hindi pa handa ang Pinoy audience sa mga indie. Hindi pa sila handang manood ng pelikula na hindi nila gusto ang kuwento.

Dito sa atin, ang panonood ng pelikula ay isang “diversion.” Gusto ng mga tao na mawala ang pagod nila. Gusto nila kahit na sandali ay maiba ang kapaligiran nila. Gusto nila kahit na dalawang oras lang makalimutan muna nila ang mga intindihin sa buhay. Kung hindi ganyan, magbabayad ba sila ng tatlong daan piso para manood lang ng sine? Lalo na sa panahong ito na mil­yong Pilipino ang walang trabaho?

Bea, may naiwang utang!?

Tama bang sabihin na “bayaran” ni Bea Alonzo ang nagastos ng kanyang dating network sa isang project na diumano ay inayawan niya, pero inaamin naman ng network noon na nagkaroon nga ng mga problema kaya hindi na itinuloy noon. Ngayon lang lumabas na si Bea daw ang tumanggi at dapat bayaran niya ang nagastos ng network sa proyekto.
Ano ba ang nangyari? Basta ba nag-walk out na lang si Bea at iniwan silang lahat na nakatunga­nga? Kung totoong nagkaroon ng pagkalugi, bakit hindi idinemanda ng network si Bea, tapos ngayon sinisingil siya ng isa sa mga writer ba o director ng serye?

Bakit noong umalis lang si Bea sa ABS-CBN at saka sila naniningil, na ultimong farm ni Bea sa Zambales mukhang kinukuwenta pa nila.

Hindi maiaalis na sumama ang loob ng mga naiwan sa network na hindi makatalon sa iba, pero kahit na anong tingin ang gawin namin, parang ma­ling singilin si Bea sa sinasabing nagastos nila.

Aktres na nanay na, dapat tularan si Janella

Hanggang ngayon naman, ayaw pang umamin ni nanay na may anak na siya. Kung anu-ano pang drama at kuwento ang kanyang ginagawa. Tingnan ninyo si Janella Salvador, nabuntis, umamin na nag-abroad siya para manganak, iniuwi na ang anak niya rito at ngayon nakabalik na sa trabaho niya.

Alam mo nanay, kung may fans ka talaga at kung sinusuportahan ka, manganak ka man ng triplet nakasuporta pa rin iyan sa iyo.

Si tatay, susuportahan pa iyan lalo ng fans niya kung aaminin lang na nabuntis niya si nanay at may anak na sila, kasi may anak na nga siyang kaila­ngan niyang pakainin.

Hindi na issue kung may artista mang nabuntis o nakabuntis. Oo, pag-uusapan nga siguro iyan pero walang epekto iyon sa career ng mga artista kung talagang magaling sila at gusto ng fans.

DANIEL PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with