_ngayon
^

PSN Showbiz

Janella, naging selfless nang maging nanay!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Janella, naging selfless nang maging nanay!
Baby Jude at Janella
STAR/ File

Unti-unti nang nakababalik si Janella Salvador sa pagtatrabaho. Matatandaang Oktubre noong isang taon nang ipinanganak ng aktres si baby Jude sa United Kingdom. Ngayong nasa Pilipinas na si Janella kasama ang kasintahang si Markus Paterson ay ini-enjoy ng aktres ang ­pagiging isang ama. “Tutok na tutok kasi ako sa lahat ng milestones niya. Sobrang nakatututok ako, gusto kong ma-capture lahat. Gusto ko ma-witness lahat ng milestones niya. Sobrang nakatutok ako. Gusto kong ma-witness lahat every time he learns something new. Like now just learned how to say mama. I am so happy na na-witness ko ‘yon,” kwento ni Janella.

Bilang isang baguhang ina ay talagang nahirapan daw noong mga unang buwan pa lamang ni baby Jude ang aktres.  “Minsan dahil wala kang tulog, mas maiksi ang pasensya mo. Parang mabilis ka sigurong mag-breakdown. Minsan parang feeling mo, ‘Ayaw ko na,” parang the whole world is just crumbling. Kapag nakita mo nag-smile ang baby mo, instant nawawala na ‘yung lahat ng pain, lahat ng pinagdadaanan mo. Ibang-iba ‘yung naging life ko these past few months compared to when I didn’t have Jude yet. Dati lagi akong nagwo-work. I was  busy. Mind ko talaga ay focused on myself. Kung ano magagawa ko for myself, to improve myself. ngayon it’s all about Jude, mostly for him. Parang magiging selfless ka na lang instantly when you become a mom,” paglalahad ng aktres.

JC, handang umulit sa BL

Nasa pangagalaga na ngayon ng Star Magic si JC Alcantara. Masayang-masaya ang aktor dahil unti-unti nang natutupad ang mga pinangarap lamang niya noon. “Parang bumalik lahat ng simula ng ating pangarap, na gusto ko makapag-sign ng contract sa ABS-CBN and Star Magic. Kaya sobrang grateful ko, nagpapasalamat ako sa lahat,” bungad ni JC.

Nakilala ang aktor sa BL or boys’ love series na Hello Stranger kasama si Tony Labrusca at mula noon ay nagtuloy-tuloy na ang proyekto ni JC. Wala daw magigng problema sa binata kung malinya man siya sa paggawa ng mga BL project. “Actually hindi naman ako natatakot ma-typecast kung bibigyan ako ng gano’ng project pero ibang atake naman. Hindi same as Mico (karakter sa Hello Stranger). Pero dahil Rise Artists and Star Magic, I know na papahingahin nila ako from BL. Siguro para mag-grow naman ako kung ano pang magagawa ko, kung ano pa ang kaya ko,” paliwanag niya.

Bukod sa pag-arte ay nakahanda na rin si JC na sumabak sa pagkanta. Sa darating na Biyernes ay ilulunsad na ang kauna-unahang single ng aktor. “This july 9 sana support n’yo ako. Nagpe-play naman ako ng guitar and ukelele and actually hindi ko alam na may boses pala ako. Kumakanta naman ako pero hindi naman talaga ‘yung magaling, pakilig,” natatawang pahayag ng aktor.  (Reports from JCC)

JANELLA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with