_ngayon
^

PSN Showbiz

Gabbi at Khalil, kumpirmadong next year na mapapanood!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Gabbi at Khalil, kumpirmadong next year na mapapanood!
Gabbi at Khalil
STAR/ File

Alam ba ninyo na ‘yun serye nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos, inalok ng January, pirma ng kontrata ng February, start taping ng March, lumabas ng lock-in ng April, at nung June, nagkaroon ng annoucement na sa January na resume ang taping. Kaloka ‘di bah? Parang buong taon na walang nangyari.

Ganun ang naging resulta ng launching serye ng loveteam nila Gabbi at Khalil, so frustrating. Iyon nasayang na panahon ng mga lumipas na araw dahil nakatali ka sa commitment mo dun sa serye, kalokah.

Dalawang project ang tinanggihan ni Tonton Gutierrez para sa serye na ito kaya unforgettable para sa akin ang mga nangyari.

Ngayon lang nag sink-in sa akin ang wasted days na lumipas. Hindi ko alam kung ano naging problema ng production, hindi ko ma-imagine iyon itinapon na oras at araw tapos ganito ang mangyayari.

Dapat siguro mag-isip mabuti ang production staff para hindi maulit ang ganitong pagsasayang ng oras, dahil imagine ang haba sana ng mga araw na natapos nila ang project. Dapat sana, by now tapos na ito, ano ang nangyari? Sino dapat sisihin? Sino mananagot?

Hay naku, itong mga ganitong insidente ang talagang hindi mo maiwasan kaya dapat talaga lagi kang nakahanda. ­Kalahating taon iyon natapon ha.

Pandemic nga talaga.

Birthday ni Cristy, laging binabaha ng pagkain

Dahil July na Salve, buwan ng birthday ni kabsat Cristy Fermin, sure ako ang dami na naman mga food na darating sa TIPMMG (Take It... Per Minute, Me Ganun).

Alam mo naman na si Mr. Fu eh alaga ni Japs Gersin dahil type niya ang driver nito, at si Tina Roa naman alaga si Gorgy Rula sa balutan ng take home kaya dami na naman mga baon na plastic container, hah hah.

Natawa nga ako sa pamangkin ko na si Apple at anak kong si Sneezy dahil excited sila sa birthday ni Cristy. Gusto na naman ni Apple mag-order sa  classmates niya na meron food business para iiregalo kay Cristy ang food pero sabi ko, sure ako mas masarap iyon mga ibibigay sa kanya noh!

Hindi nga ba lagi puno ang kusina basta birthday ni Cristy kaya wait natin ito every time.

Hahaha, meaningful ang July dahil hindi lang birthday ni Cristy, kundi middle of the year na at talagang wait na lang tayo sandali, Pasko na. At pag Pasko, food at gift galore na naman.

Hay naku, kahit pandemic ang babait ng mga friends natin, feel natin generosity nila kahit pa nga affected ang negosyo, iyon love sa atin walang bawas. Forever grateful talaga.

GABBI GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with