_ngayon
^

PSN Showbiz

Paglipat ng network ng mga artista, kinukuyog!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Grabe, pati si Anne Curtis na may gagawin lang namang pelikula kung sakali na sosyo ang Viva kung saan naka-kontrata si Anne, at ang GMA Films, binanatan na agad siya ng trolls.

Masyado silang sensitive sa mga artista ng ABS-CBN na napupunta sa GMA 7.

Totoo ang sinasabi nila na ABS-CBN ang nagbigay ng build up sa mga star na iyan, pero kahit na anong build up ang gawin mo, kung hindi sisikat ang isang artista hindi sisikat iyan. Lahat ba ng bigyan nila ng build up sumikat? At nang sumikat ang mga star na iyan, hindi ba pinakinabangan din naman nila dahil kumita ang kumpanya? Ibig naming sabihin, nagka­tulungan lang naman sila.

Ngayon ang ABS-CBN walang franchise, at kahit na anong tingin mo, hindi pa sa isang taon, baka nga sa 2023 pa sila makakuha ng panibagong franchise kung sakali. Depende pa iyan kung ano ang kalalabasan sa eleksiyon sa 2022. Eh ano ang gagawin ng stars na iyan mula ngayon hanggang 2023?

May sinasabi sila na ihahanap nila ng project para makagawa ng mga proyekto kasama ang mga international artist. Ngayon may nakapirma sa kanilang 40 artist. Lahat ba iyon mabibigyan nila ng trabaho sa international? Lahat ba mabibigyan nila ng trabaho kung iisipin ang limitasyon nila ngayon dahil wala nga silang franchise?

Ang nadale sa kanila iyong backbone ng kumpanya eh. Papaano naman itong mga artistang may pamilya ring binubuhay?

Natural hahanap sila ng trabaho. Eh wala na rin naman silang kontrata sa ABS-CBN dahil na-terminate na ang mga iyon nang mawala ang kanilang franchise. Kung hindi nila pakakawalan ang stars
nila, papaano nila mapananagutan ang responsibilidad nila sa ilalim ng kontrata.

Hindi dapat magsisihan. Hayaan nila iyong mga gustong maghanapbuhay. Hindi katuwiran iyong “may pinagkakakitaan ka naman iba” o iyong ­sinasabing “mayroon ka namang farm”. Minsan lang sila bata. Pagtanda nila artista pa ba sila? Hindi naman sila dapat itali sa “utang na loob”.

Kung sakali at makabalik na ang ABS-CBN, at malakas pa rin ang stars na iyan. Siguro naman ­tutulungan din sila. Eh kung maburo sila habang wala pang franchise ang kanilang network, lumipas ang kanilang ­kasikatan, papaano pa sila makakatulong sa ­network pagbabalik noon?

Jimmy, nakabalik na sa Eat Bulaga

Natuwa naman kami noong isang araw nang muli naming makita si Jimmy Santos sa Eat Bulaga. Napansin din namin na masayang-masaya ang komedyante dahil mahigit isang taon na siyang nawala sa show. Kahit na naka-zoom lang siya at least nakapag-participate siya sa show.

Palagay namin hindi mahalaga kay Jimmy ang talent fee. Ang mahalaga sa kanya ay naroroon siya sa isang show na maraming taon din niyang nilabasan. Malaki rin naman ang kontribusyon ni Jimmy sa programa. Noong panahon ng kasikatan niya, na kabi-kabila ang kanyang mga pelikula, at marami rin siyang tv shows, gumagawa siya ng paraan kahit na wala pang tulog para makarating pa rin sa Eat Bulaga. Kaya nga nakakalungkot din iyong bigla na lang siyang nawala.

Sana ituluy-tuloy na nila ang pagbabalik ni Jimmy.

ANNE CURTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with