_ngayon
^

PSN Showbiz

Jinkee, stressed sa pulitika!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Jinkee, stressed sa pulitika!
Jinkee
STAR/ File

Siguro sa nangyayari ngayon kay Champ Manny Pacquiao at Papa Digong, ang mas stressed si Mama Jinkee Pacquiao. Kasi nga, si Mama Jinkee tahimik lang sa isang tabi at hindi nakikisali sa activities ni Champ Manny. Hindi siya ‘yung klase ng grandstanding wife na laging nasa limelight. Basta tahimik lang siya at hindi nagbibigay ng comment o anumang pahayag, basta tahimik lang sa suporta niya sa asawa.

Kaya ngayon na halos araw-araw nasa balita ‘yung parang feud nina Papa Digong at Champ Manny, sure ako, ang very stressed ay si Mama Jinkee. Mabuti na nga lang at paalis na para sa training si Champ Manny sa Las Vegas, kahit papaano ceasefire muna ang issue ng pulitika.

Tama rin para sa amin ‘yung paliwanag na tulong para kay Papa Digong ‘yung ire-reveal ni Champ Manny tungkol sa corruption. At least now, nasa open ang issue tungkol doon sa mga bagay na binanggit, ‘yung issue ng Department of Health o DOH, at ‘yung mga nagaganap sa kanilang partido.

Eye opener nga ito na dapat pagtuunan ng pansin. Sabi nga ni Senator Tito Sotto, totoo namang may mga nangyayaring corruption, buti at nahalungkat. Huwag pa-stress,  Mama Jinkee, stay beautiful ka lang.

Bulkang Taal, kinatatakutanang bagong pagsabog

Sana naman huwag nang matuloy ang pagputok ng mas malakas pa ng Taal Volcano. Grabe naman na para bang dagdag pa sa problema natin na heto, pumutok na naman ang bulkan.

May mga sign na noon pa na baka nga pumutok ito uli pagkatapos pumutok noong una na talaga namang ang laki ng destruction na ginawa sa buong Batangas at iba pang karatig na lugar. Kawawa naman na may mga pag-ulan pa tuwing hapon hanggang gabi, tapos may pandemic pa, tapos heto pa ang putok ng bulkan kung sakali.

Kalokah talaga ‘pag merong mga trahedyang ganito, dahil kahit siguro hindi ka affected, maaawa ka rin sa mga tinamaan. Iyon na nga lang makita mo na ang dami ng mga tao na nag-evacuate dahil sa takot, at ‘yung feeling nila na ano ang mangyayari sa mga bahay nila at property, ang sakit na sa dibdib.

Sana huwag na talagang pumutok ng mas malakas, double whammy na ito ngayong panahon ng pandemic, panahon ng virus, naku naman, please, spare us, God. We trust you. In your hands, iiwan namin lahat.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with