_ngayon
^

PSN Showbiz

Erich, generous kay Melai!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Erich, generous kay Melai!
Erich Gonzales
STAR/ File

Isa si Erich Gonzales sa mga itinuturing na mabuting kaibigan ni Melai Cantiveros.

Ayon sa Magandang Buhay host ay talagang mapagbigay na kaibigan si Erich. Ilang beses nang nagkatrabaho ang dalawa sa pelikula at teleserye. “Sobra ang experience ko diyan. Lahat ng mga gamit niya, ‘Mels, sa iyo na ito.’ ‘Yung parang, ‘Ang ganda naman niyan.’ ‘Sa iyo na ‘yan.’ ‘Ano ka ba Ers, nagandahan lang ako.’ ‘Mels, dito ka sa dressing room ko.’ May mga offer na bahay, sabi niya, ‘Sige ako na bahala, ano ba kailangan mo?’ Grabe ka-generous, si Erich kasi kapag siya ang mag-choose ng friend niya talagang hindi ka na niya titigilan. Talagang susundan ka na niyan,” nakangiting kwento ni Melai.

Para naman kay Erich ay talagang naglalaan siya ng oras para sa mga totoong kaibigan. Ayon sa dalaga ay kaunti lamang ang kanyang mga kaibigan na masasabi niyang pwedeng pagkatiwalaan. “Kumbaga quality talaga over quantity. Alam nating mahirap talaga magtiwala hindi ba? For me once na naibigay ko ‘yung tiwala, gagawin ko talaga lahat to keep that friendship, alagaan ‘yon. Kasi rare rin naman ‘yung mga tao na nakagaanan mo ng loob na alam mong you can trust also,” paliwanag ni Erich.

Xian, nahiya  kay Yorme

Nagkaroon na rin ng hilig si Xian Lim sa pagti-TikTok. Ngayong buwan lamang nagsimulang mag-upload ng videos ang aktor sa kanyang account na @awkwardchinito.

Ayon kay Xian ay hindi naman umano siya pinilit ng kasintahang si Kim Chiu upang magkaroon ng sariling TikTok account. “Nakakatuwa kasi ang dami na ring nagti-TikTok and nag-iiba ang panahon eh. Nag-iba ang media, nag-iiba ‘yung entertainment industry natin. Nag-iiba ‘yung platform. I think this is a way to reach people. Siyempre, lalo na ngayon na medyo limited,” pagbabahagi ni Xian.

Gaganap ang aktor bilang si Mayor Isko Moreno sa Yorme: The Musical kaya naman nagkaroon ng courtesy call kamakailan para sa naturang proyekto. Hindi pinalampas ni Xian ang pagkakataon na makasama ang Alkalde ng Maynila sa isang TikTok video. “Grabe ang bait niya. Nahihiya nga ako na i-approach siya kasi masyadong busy, pero pinagbigyan niya ako,” kwento niya.

Dahil sa naturang musical film ay nagkaroon ng ideya si Xian na maging Mayor din balang araw. Nagsilbing inspirasyon sa aktor ang mga karanasan sa buhay ni Mayor Isko. “Sana, ha-ha-ha! Kung mabibigyan ng pagkakataon, ang saya po no’n. I think to be an inspiration to many and to be able to create change is very important. I think if there’s anything na napulot ko rito sa proyekto na ito, it’s the ability to inspire and change,” paglalahad ng binata.

(Reports from JCC)

ERICH GONZALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with