^

PSN Showbiz

Manny, patutunayan uling may ‘magic’ sa ring

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Manny, patutunayan uling may �magic� sa ring
Manny
STAR/ File

Excited na ang fans ni Champ Manny Pacquiao sa nalalapit niyang boxing fight. Ang dami ng mga nasabik na makita uli sa loob ng ring si Champ Manny Pacquiao.

Talagang iba pa rin ang magic ni Champ Manny ‘pag nasa loob ng ring kaya naman hindi kataka-taka na ang dami nang excited manood.

In fact, napakabilis daw ng mga nagtatanong para sa pagbili ng ticket, ngayon pa lang daw ang daming nagpapa-book para sa mga hotel sa Las Vegas. Mukha talagang wala pang makakakuha ng magic at charm ni Manny pagdating sa boxing. Kasi nga naman, talagang nag-ingat siya, inalagaan ang sarili, kaya kahit na noon hanggang ngayon walang makakuha ng korona niya. Icon talaga.

Kahit si Jinkee Pacquiao mula pa noon, hanggang ngayon hindi nagbago sa pakikitungo sa mga tao sa paligid niya.

Kaya siguro ganun pa rin ang suwerte nila hanggang ngayon. Kaya nga, kahit anong resulta ng boxing niya, para sa lahat siya pa rin ang champion ng Pilipino dahil sa ibinigay niyang karangalan sa bayan at sa bawat Pilipino.

Anjo at Jomari, may isyu sa mga ex

Mukha talagang inaalat ang mga Yllana. Hindi pa natatapos ang issue ni Jomari Yllana sa kanyang ex, heto na naman ang ex ni Anjo Yllana naman. Meron pang issue na wala na raw si Anjo sa noontime show niya dahil sa complaints ng mga ilang kasamahan doon.

Talagang ‘yang bagyo sa buhay, sabay-sabay ‘pag dumarating. ‘Pag hindi mo makayanan tiyak talo ka, kasi nga either mabasa ka nang husto at sumuko, or lumaban ka pero natalo.

‘Yang issues kasi, hindi lang kayo ang involved, nandiyan din ang perception ng public, ‘yung paniniwala ng ibang tao, ‘yung mga bagay na akala mo dapat kayo lang ang may desisyon pero hindi pala, dahil nandiyan pa ang mga tao na nagbibigay din ng kanilang opinyon.

Dapat na nga siguro maiba ang paligid nina Anjo at Jomari. Mas mabuti na nga siguro na sa CamSur sila mag-stay dahil naroon ang pamilya nila, ang roots nila, baka mas kilala sila roon ng mga tao, mas alam ang character ng pamilya nila, mas mahal sila dahil doon ang ugat ng pamilya nila.

Maganda nga ang nangyayaring ito dahil ngayon makikita ng mga magkarelasyon kung saan umaabot kung minsan ‘yung mga hiwalayan. Ngayon pa lang maging aral na sa lalaki o babae ang dapat pagtanggap sa isang relasyon na naputol.

Siguro naman ngayon ang mga lalaki magiging maingat na ‘pag nagkaroon ng problema. ‘Yung ayusin mo muna lahat, para ‘pag naghiwalay kayo walang bad blood, walang siraan at walang sumbatan. Isipin n’yo ang mga anak ninyo na walang malay pero biktima ng issues na binubuksan n’yo. ‘Pag may bagyo sa buhay, humanap agad ng payong para hindi masyadong mabasa, at tibayan ang loob para hindi matalo ng problema.

vuukle comment

MANNY PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with