_ngayon
^

PSN Showbiz

Alden, aminadong may secret language na sila ni Jasmine

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Alden, aminadong may secret language na sila ni Jasmine
Alden at Jasmine

May apprehension pala si Alden Richards nang mabasa niya ang script ng bago niyang teleserye na The World Between Us na mapapanood na next week. ‘Di raw kasi siya sure kung ang story ay base sa novel na Wuthering Heights (isang old novel). Naghahanap daw kasi siya that time ng kakaibang project na more on pang-acting piece side but after naman ng thorough reading and explanation ng creatives, ibang klase raw ang character niya at na-appreciate niya ito lalo nung nag-umpisa na silang mag-taping.

At tulad sa mga naunang nabanggit niya, hindi siya good boy sa kanyang bagong serye.

“I’m playing the role na hindi lang puro good boy. May part sa story na may vengeance sa gumawa ng masama at mali sa akin. So medyo gray siya hindi all white character. I’ve never done anything like it and on TV so nung nagkaroon ng ganung anggulo ‘yung character ko parang marami akong puwedeng ibigay, pero marami rin akong puwedeng matutunan. Gusto ko maging malinis yung transition ng bawat stages sa buhay ni Louie (character niya).

“Hindi siya naging mabait dahil may nangyari. At may explanation kung bakit niya ginawa ‘yun,” paliwanag niya sa media conference nito.

Hindi na rin issue sa kanya kung may kontra sa team-up nila nila Jasmine Curtis. “Kung makikinig lang po kasi ako palagi sa sinasabi ng iba hindi po ako maggo-grow as an actor. Kung makikinig kami sa mga taong hindi suportado ang endeavors namin, ‘yung mga ginagawa namin hindi po kami maggo-grow, mai-stuck lang po kami dun sa mentality na laging ‘ayaw ng ganito, ayaw nilang ganito sa social media media etc etc’. We are not robots,” aniya.

Besides, ayon sa aktor, the more na hindi pinagpaplanuhan lumabas sa kanila ni Jasmine ang kilig. “Opo may ganon parang all the more na hindi pinagpaplanuhan ‘yung mga bagay all the more na nagkakaroon ng bunga. So siguro kami ni Jas meron na po kaming secret language na kahit hindi po kami nag-uusap masyado pag ‘di kami nasa work of course pag pahinga kami. Pero for some reason there’s that secret language. I don’t know may ganun po eh tinginan lang alam na namin, yung script basa, action, cut good na eh. Kung comfort at comfort lang po ang pag-uusapan wala na pong problema dun.”

Pakiramdam din ni Alden ay nag-mature na ‘yung fans and supporters niya lalo na ‘yung totoong supporters niya.

“Actually ang sinasabi lang po talaga nila sa akin is kung anuman po ‘yung gawin ko andun lang sila to support so nagpapasalamat po ako na ‘yung talagang mga true supporters ko po is really there for me and supports me,” sabi pa ni Alden sa interview.

Mapapanood ang The World Between Us starting next week. Sila ang papalit sa First Yaya.

 

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with