_ngayon
^

PSN Showbiz

Ex-wife ng pinag-uusapang komedyante / tv host nakikisawsaw sa kontrobersIya

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Parang nakikisakay ngayon sa barko ng kontrobersiya ang isang female personality na maganda naman pero hindi gaanong nagtagumpay sa kanyang karera.

Naging matunog na lang ang kanyang pangalan nang maging karelasyon niya ang isang kilalang male personality. Matagal din silang nagsama. Nagkaroon sila ng mga anak.

Kuwento ng aming source, “Pero napakatagal na nilang hiwalay, may iba nang karelasyon ngayon ang girl, anak na lang ang dahilan ng communication nila.

“Nakakapagtaka lang na sumasali sa mga issue ngayon ang girl. Kung anu-ano ang ipino-post niya na wala man siyang binabanggit na pangalan, e, bigay na bigay naman na ang ex niya ang pinariringgan niya!

“Nakikiuso siya sa mga blind items, kaso, ang dali-dali namang hulaan kung sino ang taong binabasag niya!” unang komento ng aming source.

Masalimuot ang naging relasyon ng male personality at ng girl. Palibhasa’y bagets pa, naging mahirap para sa male personality na pakibagayan ang kanyang ugali, isa ‘yun sa mga dahilan ng paghihiwalay nila.

Patuloy ng aming impormante, “Mahilig siyang bumarkada. Palagi silang lumalabas ng mga kaibigan niya, nagba-bar hopping sila, samantalang meron siyang anak na dapat asikasuhin.

“Natural, palagi nilang pinag-aawayan ‘yun ng male personality, iniiwan kasi ang anak nila dahil sa pakikipagbarkada ng girl!

“Palaging ganu’n ang nangyayari, pero tinitiis lang ng male personality, hanggang sa pung! Nagkahiwalay na sila,” pag-alala ng aming source.

Maganda ang takbo ng career nu’n ng male personality, marami itong proyekto, malakas ang kanyang raket. Bastante nu’n ang kanyang pamilya, naibibigay nito ang lahat ng mga pangangailangan ng kanyang mag-iina, walang mairereklamo ang female personality.

Hanggang sa naging matumal na ang trabaho ng male personality, lalo na ngayong pandemya, kaya post na nang post ng kanyang mga reklamo ang babae.

“Sana, mag-usap na lang sila nang maayos ng ex niya, hindi ‘yung ganyan na post siya nang post, e, wala namang maitutulong sa kanya ang mga usisero.­ Dati naman, e, hindi kinakapos ng sustento sa kanila ang male personality naging responsable naman ‘yung tao!

“Tulungan lang ang buhay, huwag niyang iasa sa ex niya ang lahat-lahat. Saka huwag siyang kuda nang kuda sa social media! Kung talagang matapang siya, pangalanan niya ang inuupakan niya!” nainis na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kongresista, pinag-awayan din nina PNoy at Kris

Ayaw kaming tantanan ng mga kaibigan namin. Ayaw ring tumigil sa katatanong ang mga tagasubaybay ng CFM at TIPMMG. Ano raw ba talaga ang pinag-ugatan nang matinding sama ng loob kay Kris Aquino ng namayapa niyang Kuya Noynoy.

Nagbigay na ng dahilan si Salve Asis kahapon sa kanyang kolum, kuwento ‘yun ng kanyang source, na isa lang sa maraming istoryang naging dahilan ng away nila ng pumanaw na dating pangulo.

Iba naman ang isang bersiyon na matagal na naming alam na hindi rin naging lihim para kay Tita Dolor Guevarra. Nasulat na namin ‘yun nang pahapyaw, sangkot sa kuwento ang isang kongresista ng NCR na kaibigan ng namayapang dating pangulo, ‘yun ang nangwasak sa tulay nilang magkapatid nang mahabang panahon.

Kasagsagan ‘yun ng isang matinding kontrobersiyang lumigalig sa buhay na personal at karera ni Kris. Tinawagan niya ang kongresista. Meron siyang ipinahahanap na tao.

Hindi nakatiis ang pulitiko, tinawagan nito ang nananahimik nang si P-Noy, sinabi nito ang dahilan ng pagtawag ni Kris sa kanya. Ikinagulantang ‘yun ng kanyang kuya.

Mula nu’n ay hindi na siya pinapansin at kinakausap ng dating pangulo, hindi na rin pinapupunta ni Kris sina Josh at Bimby sa Times Street, mahabang panahon muna ang lumipas bago siya napatawad ni P-Noy sa tulong na kanilang mga kapatid.

Alam ni Kris ang senaryong ito. Alam na alam din ng kongresistang kaibigan ni P-Noy ang buong pangyayari. Hindi na dapat pang makaagaw ng pansin ng publiko ang dahilan ng kanilang away kung hindi si Kris mismo ang nagsalita sa kanyang emosyonal na pahayag.

Walang kinalaman sa isyung ito sina Phillip Salvador, Joey Marquez, James Yap at iba pang taong naugnay sa buhay ni Kris.

Nagpasalamat ang TV host dahil bago raw pumanaw ang kanyang kuya ay nagkaayos din sila. Napatawad siya ng pumanaw na pangulo at itinuring na uli siyang bunsong kapatid.

Salamat dahil muling nabuo ang tulay sa kanilang pagitan. Wala nang bitbit na kargo de kunsensiya ngayon si Kris.

 

ARTIST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with