_ngayon
^
Pagiging music lover ni PNoy, inaalala Kris nailihim ang sakit ng kuya, umaming napatawad bago namatay!
Regine, PNoy at Ogie
STAR/ File

Pagiging music lover ni PNoy, inaalala Kris nailihim ang sakit ng kuya, umaming napatawad bago namatay!

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 25, 2021 - 12:00am

Sinabi ni Kris Aquino na napatawad siya ng kanyang kuya, former President Noynoy Aquino, at nagpasalamat na itinuring siya nito uling bunso bago namatay kahapon ng 6:30 a.m. “Nagpapasalamat ako na napatawad ako at minahal ako. And to the end ang itinuring niya sa akin ay ako ‘yung kanyang bunso. And pinangako ko sa kanya na gagawin ko ang lahat to just be even 1 percent of what he is as a man and as a Filipino,” sabi ni Kris sa interview ng media kahapon after the cremation sa Heritage Park.

Nauna nang nagbigay ng official statement ang family, si Kris, kasama ang tatlong kapatid.

“Mission accomplished ka, Noy. Be happy now with Dad and Mom. We love you and we are so blessed to have had the privilege to have had you as our brother. We will miss you forever, Noy,” bahagi ng pahayag ni Ms. Pinky, second sa kanilang magkakapatid - Ballsy, Veil and Kris.

Cause of death ni PNoy na kilalang music lover ay renal disease secondary to diabetes.

Year 2018 nang aminini ni Kris ang complicated relationship nila ng kanyang Kuya sa kanyang Instagram post : “My brother and I have had a complicated relationship, siguro po kasi only son & middle child siya, bunso ako maybe because he’s the only son and middle child, while I’m the youngest. 3 months po kaming hindi okay. Kasalanan ko po yun. Naipit yung 2 boys ko- alam nilang di okay kaya pinili na wag dumalaw at wag iwan si mama.”

Samantala, agad nag-trending si PNoy at bumaha ng pakikiramay.

Si Ogie Alcasid ay may tribute sa kanilang abay sa kasal ni Regine Velasquez.

Inalala niya ang pagiging mahilig nito sa music : “Si Pnoy ay naging abay sa aming kasal at magmula noo’y nabuo ang isang pagkakaibigang tunay at tapat. Napakaraming salu salo na nauuwi sa kantahan sapagka’t napakahilig nya sa musika. Kapag nabibisita namin siya ay laging nagpapatugtog ng mga paborito nyang CD. Sa mga nagdaang taon, walang patid ang kumustahan sa text lalo na tuwing may espesyal na okasyon. Noong pumanaw ang aking ama, isa sya sa di nakalimot na mag abot ng pakikiramay. Nitong mga huling araw ay tuloy pa rin ang aming komunikasyon. Labis na labis ang kalungkutan bumabalot sa akin sa iyong pagpanaw sir Pnoy. Napakapalad ko sir Pnoy na ako ay tinawag mong kaibigan. Pahinga na po kayo sir. Mahal ka namin.”

SI Dingdong Dantes naman ay nagpasalamat sa pagiging champion nito ng mga kabataan. Ninong sa kasal nina Dingdong and Marian Rivera si PNoy.

“President Noy was a champion of youth development. He headed the Philippine Delegation in the monumental 2015 Paris Climate Change Conference, where we presented the Filipinos’ pledge and call for urgent global climate solution as part of the youth-led #NowPH movement. He also institutionalized November 25 of every year as the ‘National Day for Youth in Climate Action’.

“He selflessly dedicated his life to public service, and was a formidable beacon of uprightness and incorruptibility during his administration. But, I am truly grateful that I had the opportunity to know him beyond work. Because behind that seat of power was a simple man, who beams with humility, inspiration and hope for the country.

“I cannot thank him enough for the trust and confidence that he bestowed on me. And, I am truly honored to have served the Filipino Youth under his leadership.

“He will be in our prayers, and we will always be deeply thankful for his service to the nation and to this generation. We know that He has seen his good work and that he is already with Him, resting in heaven’s glory.

“#SalamatPnoy.”

Si Ms. Korina Sanchez, ay nagpasalamat sa friendship nito.

“Sad day. Gone too soon. Many presidents have come and gone. But PNOY I knew. Thank you for your friendship. Most of all, gratitude for service to our country. Godspeed. Bon vo­yage. Be happy in eternity with your parents, your fellow Filipino heroes.”

Si Vice Ganda ay shocked sa nangyari, “Today is a sad day as we are all shocked by the untimely death of former President Noynoy Aquino. I am one with every Filipino as we grieve and mourn his unexpected death.

“My heartfelt condolences to the Aquino Family. Godspeed PNoy and Rest In Peace.”

Nagpaabot din ng pakikiramay sina Liza Soberano, Kim Chiu, Angel Locsin, Janine Gutierrez, Judy Ann Santos, Bianca Gonzalez at maging ang ex niyang stylist na si Liz Uy.

Samantala, bukod sa pakikiramay, inaalala naman ni Christian Bautista kahapon ang jamming nila ng dating pangulo ng bansa sa Malacañang noon : “We were invited sa Malacañang as OPM with Sir Ogie Alcasid, Sir Gary Valenciano way back. And after the program when everyone was going home, an aide went to me and said, ‘Is it okay if you guys stay a little bit more?’ Sabi ko, ‘Bakit po?’

“Kung puwedeng magkantahan daw kayo lahat, mag-jamming lang. Sabi ko, ‘Ah okay, sure, let’s jam.

“So it was a night na kantahan lang and jamming and it was a nice atmosphere, it was very relaxed and I won’t forget that,” aniya sa interview ng GMA 7 kahapon.

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with