_ngayon
^
Fake news kay Vic, tinatawanan ni Pauleen
Pauleen, Vic at Tali
STAR/ File

Fake news kay Vic, tinatawanan ni Pauleen

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - June 25, 2021 - 12:00am

Nakakatawa ‘yung fake news na lumalabas tungkol kay Vic Sotto.

Very funny dahil hindi kapani-paniwala. Kitang-kita mo na parang sa kagustuhan nila na may ibato kay Mayor Vico Sotto, ang ginagawa nila si Vic ang tina-target.

What a waste of energy kasi nga saan mo mang anggulo tingnan, alam mo at kita mo na talagang paninira lang ang ginagawa ng nagpapakalat ng balita.

Waste energy talaga dahil mahirap mapikon si Vic, tatawanan niya lang ito. At lalong hindi maniniwala si Pauleen Luna dahil alam na niya kung anong klase ng lalaki ang asawa niya. Now pa na tahimik lahat ang paligid ng pamilya Sotto ni Vic, saka pa nagta-try ang mudslingers na dumihan.

Naku pathetic move, dahil butata agad ang balak.

As of now na kitang-kita mo how happy and contented sina Vic, Pauleen at Talitha Sotto, walang puwedeng sumira sa kanilang mood.

Mag-isip naman ng ibang idea, huwag nang ipilit ang imposible, kahit sa fake news dapat believable para paniwalaan, eh ‘yung mga ginagawang balita kay Vic, katawa-tawa, fake na fake na no brainer, paano ka maniniwala?

Sec. Mark, may paramdam na sa mas mataas na posisyon?!

Panay ang labas ng lumang ads na ginamit noon ng mga Villar. Para tuloy na-miss mo ‘yung panahon na tabi-tabi at walang mask ang mga tao. ‘Yung paglalaro ng mga bata na sama-sama, walang takot sa virus.

Pahiwatig kaya ito na tatakbo si Sec. Mark Villar sa senado? Bongga! Talagang papunta ng Senate si Anna Mae Lamentillo from DPWH.

Sa rami naman ng experience ni Sec. Mark, hindi kataka-taka na magpunta siya sa mas mataas na puwesto. Dati nang congressman si Sec. Mark kaya puwedeng-puwede sa Senado.

Ganda ng ads nila, very touching kaya madaling tandaan.

VIC SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with