_ngayon
^
Jasmine, umiiwas sa hiwalayan nila ni Jeff
Jasmine at Jeff
STAR/ File

Jasmine, umiiwas sa hiwalayan nila ni Jeff

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - June 25, 2021 - 12:00am

Ayaw kumpirmahin ni Jasmine Curtis Smith ang duda ng karamihang break na sila ng boyfriend niyang si Jeff Ortega.

Ang huling naalala lang namin sa dalawa ay proud na proud pa ang Kapuso actress sa pagtalaga kay Jeff bilang Regional Director ng Department of Tourism.

Kapansin-pansing wala sa Instagram account ni Jasmine ang mga kuha nila ni Jeff.

Sa nakaraang virtual mediacon ng The World Between Us ng GMA 7 ay naisingit kong itanong kay Jasmine kung masaya ba siya ngayong single na siya.

Hindi ko madiretsong itanong sa kanya kung break na nga ba sila ni Jeff.

Safe na sagot ng aktres; “As much as possible po kasi gusto ko ang pag-usapan ng mga tao tungkol sa akin is ‘yung project po talaga para matuwa naman sa akin ang mga nakakatrabaho ko rin po para mabigyan ko rin ng opportunity na ‘yun talaga ang highlight ng mga article kung saan man po ako mapadpad na mapag-uusapan.”

Napangiti na lang siya nang sinabi kong gets na namin base sa sagot niyang iyon.

Napag-usapan na rin kasi doon sa mediacon ng bagong drama series nila ni Alden Richards na nakitaan  ng kilig ang kanilang tambalan.

Nagkasama na sila sa isang installment ng mini-series na I Can See You, pero siyempre iba itong sa bagong soap nila lalo na’t kakaibang kuwento ng pag-ibig ito. Sabi ni Jasmine, lalong nag-grow daw ang friendship nila ni Alden dito sa The World Between Us.

“Yung growth ng characters namin dito parang ganundin ‘yung friendship namin, ‘yung connection namin sa isa’t-isa. Meron din siyang napupuntahang depth at meron din siyang learnings along the way about each other.

“Meron din siyang kuwentuhan on the side and we had the chance to get to know each other personally more. There’s always something stronger when we get connected with each other ‘pag nagkakatrabaho kami,” saad ni Jasmine.

Dagdag na pahayag naman ni Alden; “Si Jas po kasi kapag nagkita kami, parang ang tagal na naming magkakilala. ‘Yun ‘yung comfort that I find whenever I see her, whenever I work with her. Parang that brings us you know into the character that we have to play, and laking bagay po kasi kapag kumportable ka sa isang tao. No pressure, walang wall, nasa same page kayo na gusto n’yo mapaganda ang trabaho n’yo.”

Kaya tingin ni Alden ay tatanggapin ng fans niya ang tambalan nila ni Jasmine at hindi na babatuhin ng kanegahan. “I think po matured na rin po ang mga fans at supporters natin with regards to that matter,” pahayag pa ni Alden.

Sa July 5 na magsisimula sa GMA Telebabad ang The World Between Us na kapalit ng First Yaya.

Xian itatambal kay Jennylyn, KimXi buwag na

Halos dalawang linggo na rin ang nakaraan nang nakarating sa amin ang kuwentong may negosasyon na raw sa Viva at GMA 7 tungkol sa posibilidad na paggawa ni Xian Lim ng isang drama series sa Kapuso network. Baka siya raw ang i-partner kay Jennylyn Mercado sa binubuong drama series nito.

Out of the box daw ang konsepto nito na may tentative title na Love. Die. Repeat.

Naghahanap sila ng nababagay na ka-partner nito, at puwedeng-puwede naman talaga si Xian.

Magaganda rin naman ang mga project na nabigay sa kanya, at isa na nga rito ang katatapos lang na 1000 Heartbeats Pintig Pinoy.

Malaki ang mababago ngayon sa takbo ng career niya bilang Kapuso.

Isa na nga rito ay ang pagkabuwag ng KimXi loveteam dahil nanatiling nasa Kapamilya naman si Kim Chiu.

Kaya abangan natin ang patuloy na journey ng showbiz career ni Xian, ngayong nasa Kapuso network na siya.

Ang isa pang nababalitaan naming posibleng lumipat sa GMA 7 na talent din ng Viva ay si Marco Gumabao. Pero sabi ng aming source, medyo malabo pa raw itong kay Marco lalo na’t may soap pa sila ni Julia Barretto para sa TV5. Ang susunod na aabangan naman natin ay si John Lloyd Cruz naman na ang dinig namin ay isang movie at isang drama series ang commitment daw sa GMA 7.

JEFF ORTEGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with