_ngayon
^
Luis, sinagot ang pagsabak sa pulitika
Jessy at Luis
STAR/ File

Luis, sinagot ang pagsabak sa pulitika

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - June 25, 2021 - 12:00am

Marami ang nakapansin na tumaba si Luis Manzano mula nang ipatupad ang community quarantine dahil sa pananatili lamang sa bahay.

Ngayon ay unti-unti nang nagpapapayat muli ang aktor sa tulong ng isang produkto na kanyang ineendorso. “Kahit ‘yung team ko, ‘yung stylist ko, lahat sila medyo, parang, hindi na lang para sabihin sa akin na, ‘Lu, medyo kailangan nating magpapayat kasi it’s not looking good on TV.’ When I started using this product, nararamdaman ko talaga na I started dropping kahit paano. Kasi regardless of the diet you do, maka-keto ka, mag-low carb ka, ‘yung basic premise para sa akin of losing weight will always be calorie deficit regardless of the diet that you use, it boils down to calorie deficit,” pagbabahagi ni Luis.

Ilang buwan nang kasal ang aktor at si Jessy Mendiola kaya naman excited na rin si Luis na bumuo ng pamilya. “Naku! I am looking forward to that. Sana, soon ay mangyari na. Alam n’yo naman it’s not easy to have such big step in life with this pandemic going on, ‘di ba? Pero sana ‘yon na ‘yung next to happen,” giit niya.

Samantala, kamakailan ay napabalitang balak umanong sumabak na rin ni Luis sa mundo ng pulitika. Ayon sa aktor ay hindi naman daw ito mangyayari. “Wala, wala rin talagang plano ‘coz I’m still with ABS-CBN. Busy pa naman ako sa lahat ng mga kailangan kong gawin,” paglilinaw ng aktor.

Inigo, umaming in love

Sa edad na 23 taon ay walang kasintahan si Inigo Pascual. Hindi naman umano nagmamadali ang anak ni Piolo Pascual na magkaroon ng kasintahan dahil sa rami rin ng kanyang mga ginagawa sa ngayon. “Right now I am not currently in love with someone but I am in love with what I am doing. I mean grabe ‘yung lahat ng nangyayari. It’s hard to really start something. I mean I’ve been saying that and I know people are getting so tired of my answer. But that’s just reality of it. We are going through this pandemic, so much is going on. And ang hirap din magsimula na hindi ka makakapunta. It’s also hard to say na I’m in love, it’s such a big word,” makahulugang pahayag ni Inigo.

Ngayon ay abala ang binata para sa promotion para sa kanyang bagong album na Options. Mayroong 12 kanta ang naturang album mula sa Tarsier Records ng ABS-CBN. “We’ve been working so hard for this album. We literally had so much options for this album. I mean like each track. Some of the tracks here have multiple version. I am just glad that we are able to do this. We are still able to share music globally not just here in the Philippines. I am able to share whatever we have in Tarsier Records and I am just grateful, very grateful,” paglalahad ng singer-actor. (Reports from JCC)

LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with