_ngayon
^
Xian Kapuso na, itatambal kay Jennylyn!
Xian
STAR/ File

Xian Kapuso na, itatambal kay Jennylyn!

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 24, 2021 - 12:00am

So si Xian Lim nga ba ang ipakikilang bagong Kapuso actor?!

Ayaw i-confirm ng ibang insider ng GMA, pero may isang source ang nagbulong na pasok na sa bagong teleserye ng GMA ang karelasyon ni Kim Chiu.

Matagal nang wala sa Star Magic si Xian, hawak na siya ng Viva Artist Agency kaya hindi na naman siguro siya maiisyuhan na walang utang na loob.

Besides, matagal-tagal na rin naman siyang napapanood sa TV5, 1000 Heartbeats Pintig Pinoy.

Last March ito nag-umpisa at nagtapos na recently. Siyempre, malabo itong mangyari kay Kim, I mean ang pagiging Kapuso na ilang beses nang nagsabing hindi niya iiwan ang ABS-CBN na nagpasikat sa loveteam nila.

Meaning, naunahan pa ni Xian si John Lloyd Cruz na hindi pa diumano nagkakapirmahan ng kontrata.

XIAN LIM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with