_ngayon
^
Sofia, nag-iba ang ugali nang maging mommy
Zoe at Sofia
STAR/ File

Sofia, nag-iba ang ugali nang maging mommy

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - June 24, 2021 - 12:00am

Mula nang magkaroon ng anak ay talagang malaki na raw ang ipinagbago ni Sofia Andres. Isang taon at kalahati na ngayon ang anak ng aktres at kasintahang si Daniel Miranda na si Zoe. “Ang daming changes. Ang laki ng pagbabago ko as tao, as nanay, as partner. Nakita ko ‘yung sarili ko, parang I’ve become a better person and I’m so proud of myself,” bungad ni Sofia.

Ngayong ganap na ina na ang aktres ay mas lumawak pa raw ang kanyang pananaw sa buhay. “Lumaki ‘yung pang-unawa ko. Parang iba kapag nanay na eh. Nando’n ‘yung alaga sa anak. Hindi lang sa anak, sa ibang tao. Masyadong motherly ang thin­king, ganyan,” paliwanag niya.

Samantala, nakabalik na sa pagtatrabaho si Sofia. Gumaganap­ bilang si Rachel Suarez ang aktres sa La Vida Lena na mapapanood na simula ngayong Lunes sa Kapamilya Channel. Wala umanong problema kay Sofia ang paggawa ng kontrabida role. “Parang lahat naman halos ginawa ko noon kontrabida. Siguro pantay-pantay lang naman ‘yan,” giit ng aktres.

Restaurant ni Arci, ramdam ang presence ng BTS

Bukod sa pagiging isang artista ay abala na rin ngayon si Arci Muñoz bilang isang negos­yante. Nagbukas ng Korean and Japanese restaurant ang dalaga at kasosyo ang ilang malapit na kaibigan. Ayon kay Arci ay taong 2019 pa niya naisipang magtayo ng kanyang dream restaurant pero naantala ang pagpapagawa nito nang magkaroon ng pandemya sa bansa. “Pero siyempre life goes on and also we are thinking about our employees that they have to work of course they have to make a living. And why would we let this pandemic stop us from reaching our goals,” pagbabahagi ni Arci.

Matatagpuan sa O-Square 1 Greenhills ang Yoshi-Meat-Su na bagong negosyo ng aktres. Mararamdaman daw ng sino mang kakain sa naturang restaurant kung ano ang talagang interes ni Arci. “We hope to see you here and we hope that you’ll enjoy the food and the ambiance because everything is BTS here. Everything that is close to my heart. I hope you enjoy this place as much as I do,” pagtatapos ng dalaga.

Taong 2019 nang pumunta si Arci sa Korea upang personal na mapanood ang BTS. Pagkatapos noon ay apat na magkakaibang bansa pa ang pinuntahan ng aktres upang paulit-ulit na mapanood ang mga concert ng naturang Korean boy group. Matatandaang nagpa-tattoo rin si Arci ng isang BTS-inspired design sa kanyang braso noon. (Reports from JCC)

SOFIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with