^

PSN Showbiz

Abogado ni Nadine, kinontra ang contempt sa concert?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Abogado ni Nadine, kinontra ang contempt sa concert?!
Nadine
STAR/ File

Naglabas ng pahayag si Atty. Ferdie Topacio na puwedeng ipa-contempt of court ang virtual concert ni Nadine Lustre na Absolute Madness na mapapanood sa Kumu sa July 3.

Lumabas ang desisyon ng korte na valid at dapat sundin ni Nadine ang kontrata at maaaring madamay nga ang binubuo niyang virtual concert.

Pero sabi naman ni Atty. Kapunan, tuloy daw iyon at ibibigay naman daw nila ang nakasaad na 40 percent commission sa Viva Artists Agency, Inc.

Ngunit, sabi ni ni Atty. Topacio na noon pa man ay vocal ang suporta niya sa Viva, puwede raw ipa-contempt of court itong concert ni Nadine. “Nakalagay po doon na valid, na ibig sabihin, existing and binding ‘yung kontrata ni Ms. Nadine Lustre with Viva Artists Agency, Inc. and sinabi pa doon na granted ‘yung protection order na hinihingi na hindi puwedeng gumawa ng proyekto si Ms. Nadine Lustre, except through the intercession of VAAI, at nanatiling exclusive artist siya ng VAAI hanggang 2029.

“So, etong concert na ginawa niya na Absolute Madness ay hindi po ito sa pamamagitan ng Viva and therefore kung itutuloy niya po, ito ay malinaw na paglabag sa direktiba ng hukuman,” pahayag ni Atty. Topacio nang makapanayam namin sa DZRH noong nakaraang Martes ng gabi.

Wala pa namang sinasabi ang Viva na ipapa-contempt nila ito, pero sabi ni Atty. Topacio, hindi naman daw niya alam kung ano ang balak ng naturang kumpanya. Pero kung siya raw ang masusunod, puwede raw talagang sampahan ng contempt of court.

Pati nga raw ang sponsors ng naturang concert ay puwede ring idamay sa kaso. Hindi naman daw siya legal counsel ng Viva. Naglabas lang siya ng sarili niyang pananaw sa kasong ito.

Nasa Viva na raw iyan kung ano ang balak nila sa nalalapit na concert ni Nadine. Kahapon ay nakatanggap kami ng text mula kay Atty. Lorna Kapunan. Aniya; “The Cease and Desist order is not yet final –Nadine has 15 days from the issuance of the Resolution of the Court to file a Motion for Reconsideration.  Viva also has to post a 500 thousand surety bond which we will also question as this is grossly insufficient to answer for whatever damages Nadine may suffer.”

Yaya papalitan ni Alden

Mahigit isang linggo na lang at matatapos na ang First Yaya, at na-announce na rin namang ang ipapalit sa timeslot na ito ay ang The World Between Us ni Alden Richards kasama sina Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez.

Pero ang nakakatuwa ay ang dami nang nagpaparating na bitin na bitin daw ang kuwento nito. Pero wala pang masasabi diyan ang mga taga-GMA 7.

Ang isa pa ngang may clamor din mula sa fans ay sana magka-season 2 rin daw ang Heartful Café nina Julie Anne San Jose at David Licauco.

Wala pa naman daw sinasabi sa kanila ang bosses kung magkaka-book two rin ito.

Pero happy na si Julie Anne sa magandang feedback at ang todong suporta ng fans.

“Thankful po ako kasi grabe po talaga ang suporta nila sa Heartful Café.

“Since day one, nagti-tweet sila. I’m getting a lot of good feedbacks about the show, about our characters,” saad ni Julie Anne sa nakaraang mediacon ng All-Out Sundays.

Pero bukod sa Heartful ay may natapos na rin pala siyang isang musical series na Still, produced ng Viu Philippines.

Kasama niya rito si Christian Baustista, at proud sila sa proyektong ito.

“Lahat na mga characters namin dun ay may kanya-kanyang story na relatable sa bawat istorya na nararanasan nating mga Pilipino ngayon,” kuwento ni Julie Anne.

Dugtong naman ni Christian; “’Pag nakikita namin ang mga shots, My God! Para talaga siyang sine na ibibigay ng Viu. We’re all excited, and by the end of the year po sana maipapalabas na ‘yun.”

vuukle comment

NADINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with