^

PSN Showbiz

Aktres na breadwinner, hawak sa leeg ang buong pamilya

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kadalasan, kapag ang artista na ang tumatayong breadwinner ng kanyang pamilya ay nababaligtad na ang sitwasyon, siya na ang nagiging reyna at sunud-sunuran na lang ang kanyang mga magulang sa gusto niya.

Kung ano ang kanyang gusto ang nasusunod, hanggang sa pakikinig na lang ang kanyang mga magulang, kasi nga ay siya ang kumikita at nagtataguyod sa kanilang pamilya.

May kuwento ang aming source tungkol sa isang female personality na breadwinner ng malaki nilang pamilya. Natural, siya ang mayhawak ng wallet, kaya siya ang nagrereyna.

Kuwento ng aming source, “Malakas kasing kumita ang girl. Lalo na nu’ng hindi pa pandemic, tuluy-tuloy ang pasok ng biyaya sa kanya. Marami rin siyang projects nu’n, kaya hindi problema ang datung para sa kanya.

“Dahil siya nga ang kumikita, e, siya ang nasusunod sa pamilya nila. Walang boses ang kahit sino, kahit ang mother niya, dahil para silang nagtampo sa bigas kapag tumigil sa pag-aayuda sa kanila ang female personality!” unang sultada ng aming impormante.

May kuwento pa nga nu’n na nagsumbong diumano ang girl sa isang kapamilya nila na pati ang mga luho ng mommy niya ay siya ang nagtutustos.

Balik-kuwento ng aming source, “Natural, ayaw rin naman siyempreng mapag-iwanan ng mother niya sa kung ano ang uso, di ba? So, para sa granatsa ni madir, ang female personality ang nagbibigay ng pambili.

“Pero sumosobra na raw ang mommy niya, kung anu-anong branded stuff ang binibili, kaya nagsalita na ang girl na teka lang naman muna, hinay-hinay lang, dahil mahina ang kalaban. Wala kasing trabaho ang mother niya, walang pagkukunan kundi siya lang,” komento ng aming source.

Ang kapalit ng pagiging breadwinner ng female personality ay ang kanyang kalayaan sa kahit anong aspeto ng kanyang buhay. Nagagawa niya ang kahit anong gusto niya nang hindi kumokontra ang kanyang ina at sinuman sa kanilang pamilya.

Sabi uli ng aming impormante, “Mahirap din ang ganu’n. Porke ang anak ang bumubuhay sa family nila, e, nakatali na ang dila ng nanay niya! Wala siyang karapatang mangaral, lalong wala siyang karapatang kumontra sa gusto ng anak niya, dahil nganga ang kalalabasan nila!

“Kaya ayan, nagagawa ng female personality­ ang kahit ano. Wala siyang pakialam sa mga bashers, go lang siya nang go! At ganu’ng madatung siya, e, hindi man lang niya naaalalang tulungan ang father niya!

“Waley! Deadma lang siya sa tatay niya, wala siyang pakialam! Siya kasi ang reyna, siya ang kumikita, siya ang mayhawak ng wallet ng kabuhayan nila!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Priscilla, ipinagtanggol si Jomari

“Una siyang naging akin.” Makahulugan ang binitiwang linya ng sumikat na sexy actress na si Priscilla Almeda na ang tinutumbok ay ang relasyon nila ngayon ni Jomari Yllana.

Kinse anyos siya nang maging sila, tumagal nang mahigit na isang taon ang bubot nilang pagmamahalan, hanggang sa nagkahiwalay sila dala ng kabataan.

Matagal na nanirahan sa Edmonton, Canada si Priscilla, nagkaroon siya ng tatlong anak, at nang magbalik-bansa siya ay muling nagtagpo ang kanilang landas ni Jomari.

Nadagdagan lang siya ng timbang pero ang kagandahang ipinagbanduhan nu’n ng Seiko Films sa pinilahan niyang mga pelikula ay kipkip niya pa rin hanggang ngayon.

Ayaw niyang magsalita laban kay Joy Reyes, ang nagrereklamong ex ni Jomari, dahil may mga batang sangkot sa usapin.

Pero ipinagdidiinan ni Priscilla na responsab­leng ama si Jom, hindi kinakapos sa pagsusustento sa mga anak nito kay Joy, maging sa pagpapadala ng mga kailangan ng kanilang mga anak.

Alam niya ang mga nagaganap, nakikita niya ang mga resibo, awang-awa siya kay Jomari dahil nababaligtad ang imahe nito dahil sa mga kuwento ni Joy.

May makasaysayang kuwento ang gatas na sinasabi ni Joy. Ang totoo pala ay apat na malalaking kahon ng gatas ang ipinadadala ni Jom na lima ang laman ng bawat kahon. Sobra-sobra ‘yun sa kailangan ng mga bata kung tutuusin.

Isang source namin ang nagsabi, “Hindi kaya ibinebenta ni Joy ang mga gatas na para sa mga anak nila ni Jomari? E, napakarami pala ng ipinadadala pero bakit kulang daw, sabi ni Joy?”

Anumang oras ay maaaring magpakasal sina Jomari at Priscilla, pareho silang malaya, may mga prayoridad lang muna silang inaasikaso.

Ayaw magsalita nang todo ng aktres dahil meron palang hakbang na ginagawa ngayon ang kampo ni Jomari. Paulit-ulit na lang kasi ang pagrereklamo ni Joy Reyes na direktang puro panirang-puri sa aktor kaya legal na aksiyon na ang kailangang gawin ng aktor-pulitiko.

“And there are minors in this issue, gusto kong respetuhin ang mga bata. Wala silang kasalanan sa ginagawa ng mother nila,” deklarasyon pa ni Priscilla Almeda.

vuukle comment

JOMARI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with