^

PSN Showbiz

Jomari, magsasampa ng demanda sa ex?!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Jomari, magsasampa ng demanda sa ex?!
Priscilla at mga host ng TIPMMG
STAR/ File

Sorpresang dumating kahapon sa Take It... Per Minute, Me Ganun episode 103 ang former sexy star na si Priscilla Almeda.

Eh sakto may issue kay Jomari Yllana tungkol sa former live-in partner ng actor na umano’y hindi niya binibigyan ng tamang sustento para sa dalawang anak.

Si Priscilla / Abby ang kasalukuyang ka-live in ni Jomari at pinatunayan nilang first love never dies.

So kumusta sila ni Jomari tanong nga mga beteranong host ng digital show ng Pilipino Star NGAYON? “We’re very very good. Relationship namin is solid as a rock. Ganun siya katibay, solid as a rock na kahit anong itapon sa amin na problema we’re solid together,” aniya sa interview nina Manay Lolit, Manay Cristy and Mr. Fu. “Second chance namin ito. 15 years old kami nung unang naging kami. First namin ang isa’t isa, so ‘yun una siyang naging akin hahahah,” pagpa-flashback niyang kuwento kung saan naka-one year lang pala sila noon, panahon ‘yun ng Palibhasa Lalake.

Noong 2019 naman sila nagkaroon ng second chance. “Nagkabalikan kami when I came back home, here, hiwalay ako sa ex ko hiwalay din siya sa ex niya and then nagkayayaan. Nag-date kami and then naisip namin let’s give our relationship another chance.”

Nag-umpisa ang constant communication nila noong 2015 sa Facebook as friends hanggang naghiwalay nga sila ng ama ng kanyang tatlong anak.

So ‘di ba siya kasal sa ex niya? tanong sa kanya. Mabilis na ‘no’ ang sagot nito. Kaya puwedeng-puwede raw silang pakasal ng actor na isa ring pulitiko, councilor sa Parañaque.

Aware din ang ‘90s sexy star sa mga isyu kay Jomari sa ex pero hangga’t maaari ay ayaw niya raw makisali sa past ng karelasyon. “As much as possible I don’t read ‘yung mga ganyan kasi ano ‘yan eh part ‘yan ng past niya. Saka there’s minor na kasali and also pinalaki ako ng magulang ko na if you don’t have anything nice to say, don’t say it at all.”

Paliwanag pa ng dating Seiko star na balik-trabaho sa teleserye ng GMA na Lolong starring Ruru Madrid, “we’re very very happy and we’re excited na sooner or later makakasama namin mga anak namin. Kasi what we’re doing now is for the future of our kids. ‘Yung ginagawa namin sa Bicol, ‘yung career ko na tina-try ko uling maging active and then ‘yung pagiging politician ni Jom. Everything we do now is for the future of our children and Jom is a very very good Dad. And I see how he provides for the kids. Everything’s documented and mahal niya ‘yung mga anak niya, mahal na mahal ni Jom ‘yun,” na sagot nito tungkol sa akusasyong apat na lata lang ng gatas ang ibinibigay ni Jomari sa anak ng ex ng actor / politician na si Joy Reyes.

Within this week diumano ay magpa-file na ng kaso si Jomari against Ms. Joy na dahil nga diumano’y may mga dokumentong hawak ang councilor ng Parañaque sa mga inaakusa ni Ms. Joy.

vuukle comment

PRISCILLA ALMEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with