_ngayon
^

PSN Showbiz

McCoy kinumpirma ang balikan nila ni Elisse

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
McCoy kinumpirma ang balikan nila ni Elisse
Elisse at McCoy
STAR/ File

Kumpirmadong nagkabalikan na ang dating magkasintahan na sina Elisse Joson at McCoy de Leon.

Nagsimula raw ito nang magpadala ng mensahe ang aktor sa dalaga bago pa nagkaroon ng pandemya sa bansa noong isang taon. “Ako po kasi ‘yung tao na ayoko ng merong ‘di kasundo na nakakasama ko. Eh sa showbiz magkasama kami. Parehas po kami ng handler dati. Nag-sorry na lang ako sa kanya through direct message. Hanggang ‘yon, hindi pa nag-reply ng konti eh. Kasi ang tagal ko siyang nakasama. Saka mabait din naman ‘yung tao. Hindi naman siya ‘yung parang salbahe,” pagtatapat ni McCoy.

Nag-alala umano ang binata dahil hindi kaagad sumagot sa kanyang ipinadalang mensahe si Elisse noon. “Mga isang araw din siguro bago siya sumagot, hindi ko sure. Tapos, nag-reply naman, tapos dire-diretso na po. Nakalimutan ko na kung ano ‘yung reply niya, pero magaan naman, hindi naman galit. Nakalimutan ko na eksakto pero ayun po,” nakangiting kwento niya.

Aminado si McCoy na talagang na-miss niya si Elisse pagkatapos ng kontrobersyal nilang hiwalayan noong 2019. Pagkatapos magpalitan ng text messages ay nagkita rin kaagad ang dalawa noong isang taon. “Oo naman, na-miss ko po siya. Pero ‘yung time na ‘yon talaga, ‘Uy! Okay na tayo,’ parang gano’n lang. Kasi parang ayoko namang mamroblema. Ano habambuhay kaming hindi mag-uusap? Eh nagtuluy-tuloy na. Nagkita kami sa isang lugar na kami lang. Nag-catch up kami. Masaya lang no’ng time na ‘yon. Kasi nakuwento namin ‘yung achievements namin. ‘Yung mga na-invest namin. ‘Uy! Eto meron kaming ganito.’ Ayun, kuwentuhan lang. Tapos dire-diretso na,” pagdedetalye ng aktor.

Para sa binata ay malaking-malaki ang pagkakaiba ng relasyon nila ni Elisse noon kumpara ngayon. “Kasi kung hindi kayo nag-grow parang inulit mo lang ‘yung mali eh. Maraming dapat ituwid, akala namin dati matured na kami, hindi pala. May ima-mature pa pala kami. Hanggang ngayon, natututo na rin kami. Tuwing may dumadating na problema, pag-usapan. Ang away namin ngayon parang cute-cute lang,” pagtatapos ni McCoy.

Joao, nakahanap na ng kapalit ni Sue

Masaya ngayon ang buhay pag-ibig ni Joao Constancia dahil mayroon na raw bagong inspirasyon ang aktor.

Matatandaang si Sue Ramirez ang huling naging kasintahan ng binata. Nagkahiwalay ang dalawa noong 2019. “Currently, yes. There is someone that’s making me happy,” maikling pahayag ni Joao tungkol sa kanyang love life.

Samantala, abala ngayon ang singer-actor para sa promotion ng bagong single niyang Pretty Mama na isinulat ng kaibigang si Inigo Pascual. Kung muling mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw muling makatrabaho ni Joao ang anak ni Piolo Pascual.

Bukod kay Inigo ay mayroon pang dalawang aktor na gustong makatrabaho si Joao. “Hopefully in the future, I would love that. I would love to have a collaboration with Inigo Pascual and Markus Paterson. Those are two of my best friends who are into music. I would love to collaborate with them. I would love to collaborate with James Reid. I love his music and his vibe also,” pagbabahagi ng binata. (Reports from JCC)

MCCOY DE LEON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with