_ngayon
^
Juday at Ryan, hindi naniwala sa sabi-sabi! Maine nagpatawa pagkatapos bakunahan KathNiel nagpaturok na rin
Ryan at Judy Ann

Juday at Ryan, hindi naniwala sa sabi-sabi! Maine nagpatawa pagkatapos bakunahan KathNiel nagpaturok na rin

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 22, 2021 - 12:00am

Sunud-sunod na ang mga nagpapaturok na celebrity couple after Marian Rivera and Dingdong Dantes.

Kahapon ay nagpabakuna na sina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo. Ganundin sina Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo.

Sa MMDA (Metro Manila Development Authority) office sila nagpabakuna ng AstraZeneca.

Sinasabing marami pa ring takot magpabakuna pero sabi nga ni Juday sa kanyang post after nilang magpaturok ng mister na si Ryan : “First jab! pabakuna na po tayo.. para sa mga mahal natin sa buhay at para may panlaban tayo sa bawat strain ng covid.. nakakatakot ang magakaroon ng covid.. mas nakakakampante po ng loob ang pagpapabakuna kesa maniwala sa mga naririnig nating sabi sabi at haka haka sa paligid natin...? #mmdammffvaccineprogram.”

At joke ng mga saksi sa MMDA, hindi nag-walk out ang KathNiel at mag-asawang Juday at Ryan after their first jab, nagpakuha raw ang mga ito ng video message para nga i-encourage ang lahat na magpaturok na rin.

Maaalalang nagkaroon ng isyu kay John Lloyd Cruz.

Na-offend diumano si Direk Joey Reyes dahil after his first jab, lumapit daw ang grupo ni Direk Joey para sana i-video ang message ng actor pero diumano’y bigla raw lumayo ang grupo nina John Lloyd and Direk Bobot Mortiz at nag-dialogue na “hindi naman ito kasama sa usapan.”

 Pero nahilot naman daw ang mga pangyayari at nagpadala pa rin ng video message si John Lloyd na nag-iimbita na importanteng magpabakuna kontra COVID-19.

Anyway, kasama rin sa mga nagpabakuna kahapon sa MMDA sina Eugene Domingo, Luis Alandy, Richard Quan at Atom Araullo.

Maging si Maine Mendoza ay bakunada na. Pero sa Mandaluyong siya. “Got my first dose! Thank you, MandaVax! Do your part and get vaccinated, friends!”

 Kaya nga nakakatawa nang isyuhan ang pagpapabakuna weeks ago nina Aga Muhlach and Charlene Gonzales at kambal nilang sina Atasha and Andres.

Ang laking tulong ng mga artista sa pagpo-promote ng bakuna para mas ma-encourage ang mas maraming magpaturok para magkaroon ng proteksyon at para na rin magkaroon ng ‘herd immunity.’

Eh sa Manila nga, sinabi Mayor Isko Moreno na tatanggap na sila ng walk-in dahil sa low vaccination turnout kahapon sa mga vaccination site sa Maynila.

JUDY ANN SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with