_ngayon
^
Bakunada na rin Camille gumanda at pumayat nang magka-pandemic
Camille

Bakunada na rin Camille gumanda at pumayat nang magka-pandemic

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 22, 2021 - 12:00am

Matapos ang isang taon na work-from-home setup, reunited ang Mars Pa More hosts na sina Camille Prats at Iya Villania para sa kanilang inihandang fresh and star-studded episodes ngayong linggo.

Makikita sa behind-the-scene photos na kuha mula sa kanilang recent taping­ ang bagong outdoor setup nina Camille at Iya na well-ventilated at close to nature ang dating.

Pareho na ring protektado ng bakuna sina Iya at Camille. Kahapon lang nabakunahan si Camille base sa kanyang post. “Getting vaccinated means protecting ourselves, our families, our communities and soon.. our country!! Please register at your LGU and get yourself vaccinated so we can move forward as a country! Kapit lang mga kababayan! Kayang kaya natin to Pilipinas!!,” post ni Camille na bumata ang hitsura nang magpapayat at magpaputol ng buhok.

Makakasama nila sa brand new episodes sina LJ Reyes, Gabby Eigenmann, Rodjun Cruz, Kokoy de Santos, Elijah Canlas, Maureen Larrazabal, Ian Red, at TikTok star na si Aling Nena.

Makikisaya rin para sa pagdiriwang ng birthdays nina Camille at Iya sina Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo, Jericho Rosales, Sanya Lopez at Alden Richards!

CAMILLE PRATS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with