_ngayon
^
Erich, may maseselang eksena kina JC at Carlo
Erich

Erich, may maseselang eksena kina JC at Carlo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - June 22, 2021 - 12:00am

Sa Lunes ay mapapanood nang muli si Erich Gonzales sa teleseryeng La Vida Lena. Ayon sa aktres ay kakaiba ang matutunghayan ng mga mano­nood sa kanya ngayon dahil dual role ang gagampanan bilang sina Lena at Magda. “No’ng prinesent sa akin ‘yung kwento, nagustuhan ko talaga siya. It’s something na hindi ko pa talaga nagagawa before. ‘Yung story hindi lang talaga siya revenge, punung-puno siya ng puso. Nando’n pa rin ‘yung core nating mga Pilipino, ‘yung pamilya. Grateful tayo sa patuloy na pagtitiwala sa atin ng ABS-CBN and ng Dreamscape. Wala namang imposible kung lahat kami nagtutulungan,” nakangiting pahayag ni Erich.

Bilang paghahanda ay maraming mga bagay ang ginawa ng aktres para sa bagong ser­yeng pagbibidahan sa gitna ng pandemya. “Prior to our lock-in taping, nando’n ‘yung mga Zoom meetings namin with direk. Nagkaroon rin kami ng script reading para mas swabe na pagdating sa set. Meron din tayong mga pa-fashion dito. Nag-fit na rin tayo ng mga costumes. Basically ang challenge lang talaga is first time ko talaga gawin ‘yung ganito, ‘yung lock-in. Thank God naging­ maganda ‘yung ating experience dito,” kuwento ng dalaga.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay makakatambal ni Erich sa isang proyekto sina JC de Vera at Carlo Aquino. Hindi umano nagkaroon ng problema sa dalawang aktor kahit mayroon ilang maseselang eksena ang ginawa ng dalaga. “‘Yung aura pa lang nila good vibes na agad. And napaka-gentleman nila, alalay sila especially sa mga eksena na medyo physical. Hindi naman natin maiiwasan ‘pag ni-require ng kuwento. They’re very professional and gentlemen talaga sila. So naging magaan at smooth talaga lahat sa taping namin,” paliwanag ng aktres.

Jake, binilinan nina Erap at Laarni kung paano magtagal sa showbiz

Nailunsad na kamakailan si Jake Ejercito bilang isa sa talents ng Star Magic. Masayang-masaya si Jake dahil natupad na ang kanyang mga pinapangarap lamang noon. “Both my parents were in showbiz before, my father Joseph Estrada and my mother Laarni Enriquez. Growing up, considering both my parents are from showbiz, my older sister and I, it was sort of our childhood dream to follow their footsteps. We wanted to enter the industry as well. I remember back in grade school, I was part of drama clubs and repertory and stuff like that. This is still something new to me. Exciting because it’s been a childhood dream of mine,” paglalahad ni Jake.

Suportado umano ng mga magulang ng aktor ang kanyang pag-aartista. Ayon kay Jake ay pinapayuhan din siya ng mga ito upang mapagbuti ang trabaho. “A lot actually. Apart from always being on time and doing the work, I guess what stands out is, sabi nila, to always make use of your eyes in front of the camera,” pagtatapat niya.

Makakasama ni Jake bilang mga bida sa Marry Me, Marry You sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino. Reports from JCC

ERICH GONZALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with