_ngayon
^
Kris kakaririn na ang paghahanap ng magiging daddy nina Joshua at Bimby
Josh Kris at Bimby

Kris kakaririn na ang paghahanap ng magiging daddy nina Joshua at Bimby

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - June 22, 2021 - 12:00am

Talaga palang seryoso si Kris Aquino na mag­hanap ng stepfather para kina Joshua at Bimby. Siguro nga gusto na rin niya ng kasama sa buhay, at nakikita niya rin na parang mas maganda para sa dalawang anak na lalaki ang meron father figure sa tabi nila.

By now naman siguro emotionally matured na si Kris at hindi tulad noong mas bata pa siya na iba ang pananaw niya sa partnership at relasyon. Mas magiging maingat na siguro siya ngayon, mas malawak ang pagtanggap sa mga nangyayari, at mas liberal sa ilang issues.

Iyon kasi sigurong pagiging emotionally immature niya before ang problema kaya hindi naging maayos ang mga love life niya.

In fairness, nakita naman ng marami how good she is as a mother to her two kids. Basta matagpuan lang niya ang isang lalaki strong enough na makisabay sa kanya si Kris siguro walang magi­ging problema. Siyempre bihira naman kasi ang lalaki na papayag na maging shadow lang niya, dahil ang lakas ng presence niya bilang Kris Aquino, dapat ‘yung lalaki, nasa tabi niya, pero shining also as bright as her. Matatagpuan mo rin iyon, Kris, in God’s time. Tiyak ibibigay iyan sa iyo dahil nakita niya how good you are as a mother. Huwag kang magmadali, wait ka lang. Nasa tabi-tabi lang iyan, naghihintay din sa iyo. Someday, may magiging papa, daddy o tatay sina Joshua at Bimby.

Alden, dedma sa distractions

Dahil nasa lock-in si Alden Richards kaya medyo tahimik ang paligid niya. Ang dami nang sabik na sabik na mapanood ang ginagawa niyang serye, makita siya madalas sa Eat Bulaga at All-Out Sundays, pero dahil lock-in, absent muna si Alden.

Itong sipag ni Alden sa trabaho, parang disiplina ng isang Korean star. Focus na focus, ayaw niyang ma-distract. Siguro nga dapat ganun, trabaho muna, tapos saka na ibang bagay na puwede namang maghintay. Ang kasikatan at popularidad dapat lagi mong binabantayan dahil isa itong regalo ng kapalaran na bihirang dumating, kaya dapat ingatan.

Kaya tingnan n’yo si Alden, talagang hindi nawala, matatag sa kinalalagyan niya.

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with