^

PSN Showbiz

Anjo, inaming ‘baby’ pa rin si Sheryl

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Anjo, inaming âbabyâ pa rin si Sheryl
Sheryl

Natawa si Anjo Yllana nang mabasa ang isang interview kay Sheryl Cruz na parang may ligawang nangyayari sa kanilang dalawa.

Hindi pa rin kasi nawawala ‘yung tsismis kina Sheryl at Jeric Gonzales na kahit matagal nang natapos ang afternoon prime nilang Magkaagaw.

Itinanggi niya sa interview na iyon na may namagitan sa kanila ni Jeric, pero lumutang naman ang pangalan ni Anjo na ang lumalabas ay parang nililigawan siya uli.

Sa totoo lang, ibang klase rin ang lovelife ni Anjo bago sila nag-asawa ni Jacqui Manzano.

Si Anjo ang huling boyfried ni Lotlot de Leon bago ito nagpakasal kay Monching Gutierrez, at si Anjo rin ang huling boyfriend ni Sheryl Cruz bago ito nagpakasal sa dating asawang si Norman Bustos.

Bago nabuntis si Kris Aquino ni Phillip Salvador ay si Anjo rin ang karelasyon noon ng multimedia star.

Inamin nga ni Anjo na sobrang dinamdam daw niya nang husto nung nagpakasal na si Lotlot kay Monching, at ang sa kanila raw ni Sheryl ay wala raw silang closure noong nagpakasal ang aktres kay Norman.

Pero nang bumalik sa Pilipinas si Sheryl, pagkatapos nito nakipaghiwalay sa dating asawa, nabalik ang komunikasyon nila ni Anjo, at nagkasama pa raw sila sa ilang trabaho.

Noong maghiwalay naman sina Anjo at Jacqui ay nakipagbalikan naman pala siya kay Sheryl. “Dati kasi nagkabalikan kami niyan nung 2016. Pero sandali lang, kasi nga ano… hindi niya matanggap na magkasama pa rin kami ni Jackie dahil sa bata. Naintindihan ko naman.

“Kasi maliliit pa ‘yung mga anak ko. Hindi ko puwedeng iwanan saka hindi ako puwedeng sumama sa ibang babae,” pahayag ni Anjo.

Hindi raw ma-gets ni Sheryl ang setup noon nina Anjo at Jacqui na kahit magkahiwalay sila ay nagsasama pa rin sa isang bahay para sa kanilang mga anak. “Naintindihan ko naman kasi kung hindi niya matanggap… bagama’t hindi kami natutulog ni Jacqui na magkatabi, sa bahay lang kami para sa mga bata, eh siyempre, masakit ‘yun sa babae ‘di ba?

So, naghiwalay din kami dahil dun, pero hindi kami nag-away. Magkaibigan pa rin kami. Hindi lang niya maintindihan yung setup,” lahad ni Anjo.

Ngayon lang nagkahiwalay sina Anjo at Jacqui dahil malaki na ang mga anak nila at naka-graduate na nga ang panganay.

Naintindihan na raw ng mga bata ang lahat, at tanggap na rin ang partner ngayon ni Jacqui.

“Meron na siyang partner, matagal na.

“Ipinakilala niya sa akin nung debut ng anak namin nung 2018.

“Matagal na rin sila, masaya naman ako sa kanya. Mas gusto ko na ‘yung meron siyang partner sa buhay kesa naman wala siyang partner… para at least may nag-aalaga na rin sa kanya. Hindi talaga kami compatible eh,” saad ni Anjo tungkol sa dating asawa.

Ang sa kanila naman ni Sheryl, bukas daw ang linya nila sa para sa isa’t isa. Nandiyan pa rin daw ang magandang friendship nilang dalawa. Kung saan man daw hahantong iyon, hindi pa raw niya masasabi sa ngayon dahil nandiyan pa rin daw ang trauma sa kanya sa mga hiwalayang pinagdaanan niya.

“Ewan ko. Parang nakakatakot eh, Kasi ako ‘pag gusto ko, ‘pag may relasyon habang buhay,” pag-amin ni Anjo.

Pero aminado rin siyang espesyal pa rin si Sheryl para sa kanya.

“Sabi ko sa kanya, you will always have a place inside my heart. Baby baby kita eh. Sa lahat na naging girlfriend ko, ikaw ang baby ko. Totoo naman eh. Isip bata ‘yun eh.

“Sabi ko sa kanya. I will always be there for you. I’m just a phone call away. Importante ka pa rin sa buhay ko. I still care for you. Ganun lang,” seryosong pahayag ni Anjo para kay Sheryl.

Malaking artista ng Kapamilya, mambubulaga sa GMA

Maaaring ngayong linggong ito o sa susunod na linggo, bubulagain na naman tayo ng pag-welcome ng GMA 7 sa bagong Kapuso artist.

Malaking artista rin ito, pero ayaw sabihin sa akin ng aking source kung sikat na aktor o aktres mula sa Kapamilya channel.

Never pa raw nabanggit ang pangalan ng artistang ito na posibleng lilipat ng GMA 7. Kaya tiyak na magugulat daw ang lahat.

Hindi pa raw kasi na-finalize lahat, at meron lang aayusin bago nila ia-announce kung sino ito.

Pero malaki raw ang tsansang magkasarahan na at iaanunsyo na kung ano ang proyektong gagawin.

Abangan na lang natin.

 

 

SHERYL CRUZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user