_ngayon
^
40 bagong kapamilya, pumirma ng kontrata Star Magic, papasukin na ang international scene
Direk Lauren

40 bagong kapamilya, pumirma ng kontrata Star Magic, papasukin na ang international scene

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng pinuno ng Star Magic at ABS-CBN entertainment production na si Laurenti M. Dyogi na gagawa na ang Star Magic ng mga sarili nitong palabas at hahanap ng mas marami pang oportunidad sa labas ng Pilipinas para tulungang matupad ang mga pangarap ng kanilang mga alaga. “We dream to grow bigger and go global. To see our artists perform alongside the best artists in the world is what we will strive to achieve. Star Magic will also start creating content that will entertain, inform, and educate our audience locally and globally,” pahayag niya sa ginanap na Star Magic Black Pen Day noong Sabado (Hunyo 19).

Sa mga darating na buwan, ilulunsad na rin nila ang Star Magic Records, isang sublabel sa ilalim ng ABS-CBN Music; ang Star Magic Studio, na gagawa raw ng palabas para sa Star Magic artists; at Star Magic Digital Artist Agency. Ibabalik din nila ang theater arm ng ABS-CBN na Teatro Kapamilya, na siyang nasa likod ng  Tabing-Ilog: The Musical noong 2020.

Ito ay matapos pumirma ang mahigit 40 artista upang maging Kapamilya sa Star Magic Black Pen Day, ang sinasabing pinakamalaking contract signing event sa kasalukuyan.

Kabilang sa pumirma sa event, na hinost ni Edward Barber, sina John Arcilla, Sandino Martin, Marc Solis, at Angeline Quinto, kasama ang mga baguhang sina Kaila Estrada, Arabella Davao, Mary Joy Apostol, Zabel Lamberth, Rans Rifol, Vance Larena, Maureen Wrob, Paolo Gumabao, Luis Vera-Perez, Sela, Migo Manikan, Vitto Neri, at Jake Ejercito.

Kasama rin sina Gigi De Lana, Zach Castañeda, Shanaia Gomez, Karina Bautista, Aljon Mendoza, Jayda, at JC Alcantara mula sa RISE Artists Studio at mga artista mula sa mga katuwang na partner talent agencies tulad nina Alyssa Muhlach at Kiko Estrada ng ALV Events International, at Krystle, Lara Maigue, Moira Lacambra, Aikee, Poppert Bernadas, Gian Magdangal, Davey Langit, at Anthony Barion ng ATEAM (Alcasid Total Entertainment & Artist Management, Inc).

“My dream is to help fulfill the dreams of our artists. To attain their highest potential in their chosen craft and be responsible members of the entertainment community and of this nation,” wika pa ni Direk Lauren.

Nagpasalamat din si ABS-CBN chief operating officer of broadcast Cory Vidanes sa mga bagong Kapamilya sa kanilang pagtitiwala. Aniya, maaasahan ang paggabay at suporta nila sa pag-abot sa kanilang mga pangarap.

Paalala rin niya sa kanila, “Be good, stay grounded, and enjoy the journey. Together let us share love, joy, and light as we continue to inspire and serve the Filipino.”

Sina Mr. Johnny Manahan at Ms. Mariole Alberto ang dating bossing ng Star Magic na ngayon ay consultant na ng GMA Artist Center though wala pang formal announcement ang GMA Network dito.

Ang event na ito ng ABS-CBN ay kasabay ng kabi-kabilang kuwentong maraming naglilipatang Kapamilya stars sa GMA 7.

 

 

STAR MAGIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with