^

PSN Showbiz

Komedyante nanghingi ng pera nang magkasakit Julia hindi nag-Happy Father’s Day kay Dennis

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Komedyante nanghingi ng pera nang magkasakit Julia hindi nag-Happy Father�s Day kay Dennis
Dennis

MANILA, Philippines — Binantayan kahapon ng ibang netizens kung babatiin ni Julia Barretto ng Happy Father’s Day si Dennis Padilla.

Ito ay matapos aminin ng komedyanteng ama ng actress na nanghingi siya ng pera sa mga kaibigan nang magkaroon ng COVID-19. Kasama nga ang komedyante sa nahawa ng virus noong March. Naging kritikal si Dennis kaya malaki ang binayaran niya sa hospital. Umabot sa P1.2 million

Pero hindi niya raw ito ipinangutang, ipinanghingi niya, sabi niya sa interview ng Reporter’s Notebook. Pero hindi sa kapamilya kundi sa ibang tao.

Nang magka-pandemic, kasama ang entertainment industry sa matinding naapektuhan, kaya naman puro palabas daw ang kanyang mga pera. “Ganun naman tayo, isang kahig isang tuka. Kapag may show, may pelikula, may pera. Mauubos ka kasi ‘pag wala kang trabaho, anim na buwan ka pa lang masasaktan ka na dahil papunta ka na ‘dun sa savings mo kasi walang pumapasok. Pero ‘yung level ng pamumuhay mo is the same.”

Kaya naman imbes na mangutang nang malaman niya ang malaking bayarin sa isang private hospital, nanghingi siya sa mga kaibigan. “Hindi ako umutang, hingi talaga kasi hindi ako makapag-promise na mababayaran ko eh. So I said ‘pahingi,” pag-amin nito.

“May mga kaibigan ako, diretso na sa bank account ko pinapadala ‘yung pera. Marami ring tumulong sa akin mga kapwa artista, pero mas maraming tumulong sa akin na non-showbiz. 

“Wala. Kung wala sila. Pinoproblema mo na ‘yung sakit mo, tapos financially iisipin mo, so dalawa stress mo,” pag-aalala niya pa.

Sa IG story ni Julia ay ang kanyang lolo ang kasama niya, si Ian Veneracion na gumanap niyang ama at ang kanyang mommy Marjorie at mga kapatid.

Kung sabagay hindi pa naman tapos ang araw nang makita namin ang IG stories niya at baka nung bandang gabi ay binati niya ito.

vuukle comment

DENNIS PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with