_ngayon
^
Angeline, gustong seryosohin ang pag-arte!
Angeline

Angeline, gustong seryosohin ang pag-arte!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2021 - 12:00am

Malaki ang pasasalamat ni Angeline Quinto dahil sa pagiging bahagi ng Star Magic.

Ayon sa singer ay talagang natulu­ngan siya ng naturang talent management mula pa noong nagsisimula pa lamang sa industriya. “Ever since nanalo ako ng Star Power noong year 2011, talagang isa na po ang Star Magic sa kasama sa journey ko bilang isang singer. Ako po ay talagang sobrang nagpapasalamat.

“Ngayon na 10 years na ako sa industriya ng showbiz, kasama ko pa rin. Saan man ako makarating, kung ano man ang maabot ko pa sa buhay, lagi po akong nagpapasalamat sa inyo. Sobra din akong nagpapasalamat sa Panginoon na naging pamilya ko kayo,” nakangiting bungad ni Angeline.

 Bukod sa pagkanta ay maraming acting projects na rin ang nagawa ng dalaga.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto talagang pagsabayin ni Angeline ang pagiging singer at artista sa harap ng kamera. “Bata pa lang po ako talagang pangarap ko nang maging professional singer. Ngayon na kasama ko pa rin ang Star Magic, ang nilu-look forward ko po talaga na magawa ko pa ay ‘yung mga gusto kong subukan like pag-arte po talaga. Bukod sa pagkanta, binigyan po ako ng chance na magkaroon ng acting project. Sobra akong grateful at sobra akong nagpapasalamat doon,” paglalahad ng singer.

Belle, ‘season 2’ ang birthday wish

Noong June 10 ay ipininagdiwang ni Belle Mariano ang kanyang ika-19 na kaarawan.

Masaya ang aktres dahil nakasama ang pamilya at ilang kaibigan sa kanyang espesyal na araw. “I get to spend it with my family and at that time rin po ay nagkaroon ng thanksgi­ving party ang He’s Into Her. Actually that was my wish to spend my birthday with the people dearest to me and closest to my heart and nagawa ko po siya,” pagbabahagi ni Belle.

Namamayagpag ngayon ang tambalan ng aktres at Donny Pangilinan sa He’s Into Her na mas kilala sa tawag na DonBelle.

Ang tanging hiling umano ni Belle para sa kanyang kaarawan ay magkaroon ng season 2 ang kanilang programa.

Nagbigay naman ng mensahe si Donny Pangilinan para kay Belle. “Belinda, gusto ko lang sabihin, happy birthday first of all. Salamat sa pagiging isang tunay na kaibigan na talagang sumusuporta sa akin, sa aming lahat. And I just hope you will never lose how genuine you are and selfless you are and how humble you are. I am sure na malayo pa ang mararating mo, sobra. Nakikita ko na grabe ang potential mo. Kung itong nakikita nila sa He’s Into Her na grabe ang galing ni Belle. That’s just 5% of what you are about to offer. I can’t wait to see what future has in store for you and proud ako sa iyo,” nakangiting pahayag ni Donny. Reports from JCC

 

ANGELINE QUINTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with