_ngayon
^
Ex-Sen. Manny at Sen. Cynthia, natutukan ang mga anak
Villar family

Ex-Sen. Manny at Sen. Cynthia, natutukan ang mga anak

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2021 - 12:00am

Happy Father’s Day sa mga tatay kahapon. Dapat talagang purihin ang pagiging mabuting ama ng mga tatay na naging sandigan ng kanilang mga anak sa paglaki. Isang father na kahanga-hanga si dating Sen. Manny Villar. Tatlo ang anak nila ni Sen. Cynthia Villar, sina Paolo, Mark at Camille. 

Lahat ng anak ay achievers, talagang on their own naipakita ang kakayahan.

Si Sec. Mark bago naging secretary ng DPWH ay naging congressman muna, si Camille ngayon ay isang congresswoman ngayon, at si Paolo naman ang namamahala sa kanilang mga business.

Kahit pa nga busy sa kanilang political career, talagang hands-on pa rin ang naging pag-aalaga nina Sen. Manny at Cynthia sa kanilang mga anak.

Talagang nakasubaybay sila in every step of the way sa lahat ng hinaharap ng mga ito tungkol sa kanilang trabaho, at ready silang makinig sa anumang problema ng mga ito pagdating sa personal na buhay.

Kaya hindi kataka-taka na lumaking achievers at very successful ang tatlo nilang anak.

Happy family sila. At isang patunay na good parents sina Manny at Cynthia Villar. Kaya congrats at dapat tularan ang pagpapalaki nila sa kanilang mga anak.

K-actor, kasali sa Cannes Filmfest

Bongga si Nam Joo Hyuk ha. Meron siyang movie na kasali sa Cannes Filmfest. Dalawang beses nagpunta rito sa Pilipinas si Nam Joo Hyuk, at sad na nang huli niyang meet and greet naging unruly at wild ang fans kaya naging kalokah ang experience niya.

Pero in spite of that, mahal pa rin niya ang Pinas kasi nang hingan siya ng pagbati para sa fans niya rito, sabi niya miss niya at gusto pa niyang bumalik uli. 

Mukha namang mabait talaga si Nam Joo Hyuk at sikat na sikat na siya ngayon dahil ang lakas ng drama series na Start-Up at hayun nga, may project pa siya na nadala sa Cannes. Bongga siya ha, suwerte ng fans na nagpa-selfie sa kanya sa Kia Theatre dahil accomodating siya at very sweet, kaya sana pagbalik niya huwag nang masyadong maging wild ang fans noh, kalokah. 

 

 

MANNY VILLAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with