_ngayon
^
Yorme, walang ipina-edit sa kanyang buhay
Mayor Isko Moreno

Yorme, walang ipina-edit sa kanyang buhay

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2021 - 12:00am

Pawang pa-safe ang sagot ng Manila Mayor Isko Moreno kapag sinisingitan mo siya ng tanong tungkol sa plano niya next year na kung saan ang daming pangalang lumulutang kung sino ang tatakbong presidente sa elections 2022. Ang lakas ng ugong na malaki ang tsansang kakandidato siyang pangulo ng bansa lalo na’t napabalitang dalawa na ang pelikulang ginagawa para sa kanya.

Sa Bonifacio movie niya ay siya ang bida, ang isa naman ang Yorme: The Musical na inilalahad ang kuwento ng kanyang buhay.

Ang Sarangola Media Productions ang producer nito na idinidirek ni Joven Tan.

Musical ito na tipong mga kantahan at sayawan ang mapapanood pero inilalahad ang kuwento ng buhay ni Yorme Isko, mula sa pagiging basurero sa Tondo hanggang sa pagiging alkalde ng Maynila.

 Wala raw siyang ipina-edit sa kuwento niya, at hindi siya nagpabayad sa kanyang story rights. Aniya; “‘Yung transition and ‘yung challenges dun sa transition. Halimbawa, puwede bang mag-artista ‘yung isang basurero?

“Tapos nabigyan ka ng pagkakataon sa pag-artista. Puwede bang mag-excel, ‘yung from artista na walang talent, tapos nung nag-artista, hinone ‘yung opportunity, na-nurture niya ‘yung opportunity. Then napansin n’yo ah posible pala, making a name for himself with the help of course the environment in showbiz.”

Iisa ang duda ng karamihan, gagamitin kaya ito sa pangangampanya? “Sabi ko nga sa inyo, demokrasya ito. We may think whatever they want to think, but at the end of the day, kausap ko ‘yung producer, the artists behind it, the creative group, wala silang nari­nig. Kaya ipinauna ko sa inyo ang salita ko na sana kapulutan ng aral o ng leksyon sa buhay,” safe na sagot ni Yorme Isko.

Si McCoy de Leon ang gaganap na batang Isko na taga-Tondo at natutuwa raw siya sa mga tagaroon na kahit drama raw ang mga eksena niya, pinapalakpakan daw siya.

Si Xian Lim naman ang gumaganap na present Mayor Isko Moreno at first time raw niyang gumawa ng isang musical film.

Ang balak sana nila ay ipalabas ito kapag magbukas na ang mga sinehan na may bulung-bulungang sa end of July na raw. O kaya baka isali raw nila sa Metro Manila Film Festival.

Dingdong, ayaw maging DOH ambassador?!

Napanood ko ang vlog ni Kuya Kim Atienza na kung saan kinunan niya ang pagpapabakuna ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera kamakailan lang. Doon sa vlog niya ay ibinahagi niya kung saan nanggaling ang salitang vaccine na galing daw pala sa baka o ‘vaca’.

Takot si Marian sa injection na sabi naman ni Kuya Kim na ang tawag pala sa may phobia sa vaccine ay Trypanophobia.

Sa isang cinema sa Venice Grand Canal Mall sa Taguig City ginanap ang bakuna at nakita naman na sumunod ang mag-asawa sa tamang proseso. Pumunta sila sa schedule na ibinigay sa kanila, pumila at hindi sila namili ng bakunang itinurok sa kanila.

Ang laki nga ng impluwensya ng mag-asawang Dingdong at Marian, kaya naengganyo ang fans nila na magpabakuna.      

May mga nagsasabing, dapat na kunin na sila ng DOH bilang brand ambassadors.

Text message naman sa amin ni Dingdong; “Una po, nirerespeto po namin ang mga may pag-aalinlangan o ayaw magpabakuna. Ako man nung umpisa ay may takot pero dahil sa pagsasaliksik at pagkonsulta sa mga eksperto, nakumbinsi at naniwala ako sa layunin nito para magkaroon tayo ng ‘extra protection’ at para makamit ang ‘herd immunity’ the soonest possible time.

  “Pangalawa, tingin ko po responsibilidad namin ni Marian na pangalagaan ang aming kalusugan hindi lamang para sa aming mga sarili kundi pati sa aming dalawang anak at mga mahal sa buhay.

“Nakakatuwa na sa aming pagganap ng aming tungkulin ay marami kaming nahikayat na magpabakuna.

 “Lahat tayo ay puwede at nararapat na ma­ging ‘ambassador’ kontra COVID-19 kahit na hindi literal na DOH ambassadors. #SanaOL.”

 

ISKO MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with