^

PSN Showbiz

Mike Tan, isinisingit na lang ang paglalaro

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Mike Tan, isinisingit na lang ang paglalaro
Mike at mga anak

Maraming na-dicover ang Kapuso actor na si Mike Tan nang maging isang ama.

“Of course, ‘yung pagpalit ng diapers, pagpapa-dede sa kanila kapag wala si mommy. I don’t know that I can do it but I believe in myself na I can do it. Parang confident lang ako na kaya ko ‘yan, kaya ko yan,” pahayag ng Kapuso dad sa isang interview days ago.

Dahil din sa mga anak, ginive-up na niya ang mga luho at kahit ang dating regular work-out, halos hindi na niya maharap. “Ginive up ko lahat ng luho ko nung binata ako. ‘Yung time ko sa sarili ko for example ‘yung oras ko sa pag e-exercise ko dati parang full time nakakapag exercise ako, ngayon parang once a week tsamba pa eh.

“Tapos syempre ‘yung paborito kung gawin yung aquathlon nga, running and swimming ‘yun nawala na rin talaga. Training for swimming wala na rin, running wala na rin. So ‘yun ‘yung mga oras at mga bagay na kailangan mong i-give up kapag may anak ka na. Na akala mo hindi mo kayang i-give up especially I’m a gamer myself so na-give up ko rin siya!,” mahabang kuwento pa niya.

Pero nakakasingit pa rin naman daw siya pag nakakatulog ang mga anak.

“Surprisingly. Yeah once in a while as in kapag tulog ‘yung mga bata or kapag wala nang ginagawa, kapag nasa lock-in taping ayun nakakapag mobile games ako. Pero ‘yung dati nasa desktop ka almost the whole day kapag wala kang ginagawa. Kumbaga ‘yung laro ko parang singit lang, spare time lang talaga. Pero kapag gabi mahirap na rin maglaro kasi mapupuyat ka tapos gigising pa sa madaling araw for your kids if ever they need something. Pagkatapos nun sira na ‘yung araw mo kasi puyat ka na eh kasi inuna mo yung games kesa matulog ka e so wag na lang din,” sabi pa nito.

Pero handa naman daw siya sa nasabing mga responsibilidad sa asawa’t dalawang anak. “Bago kasi ako nagpakasal nakaplano na ‘yung lahat kumbaga emotionally, spiritually, financially. Prepared na ako kung ano man ‘yung mangyayari. Yung takot laging nandun ‘yun kasi di mo na alam kung anong roles yung bibigay nila sa ’yo since tatay ka na,” aniya nang tanungin kung naisip niya bang ilihim nang ikasal at magkaanak dahil hindi pa kaka-take off totally ang career niya.

Tanggap na raw niya ang lahat pero kung dati ay tatlong anak ang pinaplano nila ng misis niya, ngayon ay tama na sa kanila ang dalawa.

Mapapanood si Mike sa Nagbabagang Luha.

Happy Father’s Day sa lahat ng ama.

 

vuukle comment

MIKE TAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with