^

PSN Showbiz

Aktor napapahinga ang utak sa duderang misis pag nasa lock-in taping

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Matinding sakripisyo talaga para sa mga artista ang sistema ng pagtatrabaho ngayon. Napakagastos nu’n para sa network at produksiyon at napakahirap naman ng ganu’ng kalakaran para sa mga personalidad.

Lock-in ang trabaho. Dumadaan sa swab test ang lahat ng kasali sa produksiyon, walang uwian, tinatapos nila ang trabaho nang kung ilang linggo.

“Ang laki-laki na ng butas ng ilong ko, ito ang feeling ko, dahil palagi kaming sinusundot-sundot bago pumasok sa lock-in shoot,” kuwento ng isang aktres.

Maraming nagrereklamo, maraming nagsasakripisyo, pero wala naman silang pamimilian dahil ‘yun ay para sa kanilang kaligtasan.

Pero may kuwento ang isang source, may isang kilalang male personality na gustung-gusto ang lock-in taping, masaya siya sa ganu’ng paraan ng pagtatrabaho.

Kuwento ng aming impormante, “Nakakahinga kasi siya nang maayos kapag naka-lock-in taping siya. Malayo siya sa kadadakdak ng wife niya. Matagal na kasi silang hindi nagkakasundo, hindi lang naglalabas ng problema niya ang male personality.

“Sawang-sawa na siya sa boses ng wife niya nakukulili na ang tenga niya, kaya kapag naka-lock-in taping siya, e, fiesta ‘yun sa kanya!” unang kuwento ng aming impormante.

Sa biglang tingin ay parang maayos na maayos naman ang kanilang pagsasama. Walang kahit anong kuwentong lumalabas na nagkakaroon sila ng problema.

“Meron. Matagal nang hindi maayos ang pagsasama nila, matiyaga lang ‘yung lalaki. Ayaw niya kasing masira ang pamilya nila. Minsan na nga naman siyang nabigo sa pagpapamilya, kaya ayaw na niyang masundan pa ‘yun.

“Kaya lang, sobrang selosa ang wife niya. May reason din naman ang girl, napakarami nang pinagdaanan ng guy, malikot din naman kasi ‘yun sa aparato! So, palaging nagdududa ang wife niya na baka may ginagawa na namang siyang kalokahan!

“Mahirap nga namang kasama sa bahay ang makudang asawa. Walang katahimikan ang bahay dahil masyado ngang dudera. Kaya kapag may tawag na ang production para sa lock-in taping, masayang-masaya na ang male personality!

“Yes! Mapapahinga na ang tenga niya, magkakaroon na siya ng peace of mind. Ilang linggo ring pahinga ‘yun, sa totoo lang! Piyestang-piyesta ang feeling niya kapag ganu’n!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

May pahabol pa ang aming source, “Lapitin kasi talaga ng kababaihan ang male personality na ‘yun dahil kalat na kalat na ang kuwentong taga-Dakota Harrison siya! May binti kuno ng sanggol sa pagitan ng mga hita niya!”

Ubos!

Pokwang, tumanaw ng utang na loob

Sa isang panahon na problemado ang maraming artista sa katumalan ng trabaho ay saka naman pinagbuksan ng langit ng mga biyaya si Pokwang.

Natural lang na sa pagiging Kapuso na niya ngayon ay nakakatikim siya ng mga pambabato, ng paghusgang wala siyang utang na loob, pikit-mata niya na lang na tinatanggap ang mga ganu’ng pananakit.

Ang hindi lang maganda ay kapos sa pagsasaliksik ang mga bashers ni Pokwang. Maling-mali ang kanilang iniisip na ngayon lang naganap ang transaksiyon ng paglipat niya sa GMA-7.

Wala pang pandemya ay nagbigay-respeto na siya sa mga ehekutibo ng Star Magic at ng ABS-CBN kung puwede siyang gumawa ng proyekto sa ibang istasyon.

Nagpaalam siya. Bumusina siya. At binigyan naman siya ng kalayaang makapaghanapbuhay sa labas ng network kung saan siya nagsimula.

Siya mismo ang nag-alok ng kanyang sarili sa GMA-7. Dalawang taon pa ang kanyang ipinaghintay bago naging kumpleto ang pagiging Kapuso niya.

Ang salitang utang na loob ay buhay na buhay sa puso ng komedyana. Alam na alam niya ang spelling ng salitang pagtanaw ng utang na loob kahit pagbali-baligtarin pa ang mga letra nu’n.

Lahat ng taong nakatulong sa pagkatupad ng kanyang mga pangarap ay ipinagdarasal niya. Hindi siya nagsusunog ng tulay. Punumpuno ang kanyang puso sa pagtanaw ng utang na loob kahit pa pinagtrabahuhan niya naman ‘yun at namuhunan siya ng talento.

At napakaganda ng kanyang sinabi nang makapirma na siya ng kontrata sa GMA-7. Wala siyang sinaktan, wala siyang iniangat at ibinagsak, basta pinasalamatan niya lang ang GMA-7 sa malaking tiwalang ipinagkaloob sa kanya.

Tama ‘yun. Hindi natin binabasag ang pinggan na minsan nating kinainan. Hindi natin kinakagat ang mga kamay na nagpala at nagpapala pa sa atin.

Hindi natin sinusuwag ang mga taong nag-abot ng kamay para sa ating mga pangarap. Kaya naman patuloy na pinagpapala si Pokwang.

vuukle comment

ACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with