^

PSN Showbiz

Date night nina Dominic at Bea nabuko sa relos, pa-misteryoso ang epek!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Date night nina Dominic at Bea nabuko sa relos, pa-misteryoso ang epek!
Dominic at Bea

Nagdi-date night na naman nga ba sina Bea Alonzo and Dominic Roque? Pero as usual, pa-misteryoso / pabebe raw ang style.

Ito ang hula ng folllowers ng actor sa ini-upload niyang niyang TikTok video na “Jap night is date night.”

May champagne, may sushi, beer and ice cream. Pero bukod dun, ang umagaw ng pansin sa kanyang followers ay ang holding hands nila ng kanyang companion.

Mabilis na na-trace ang suot na gold Cartier watch ng ka-holding hands nito, si Bea, base sa mga file photo ng aktres na suot ang nasabing brand ng relos.

Hindi ito ang first time na spotted silang nag-Japanese night.

Pulos pahulaan lang ang relasyon nila dahil never pa silang umamin tungkol sa sinasabing ‘relasyon’ nila kung meron man.

Ang huling beses na napagtagpi-tagpi na magkasama sila ay sa Amanpulo na matagal umanong plinano ng dalawa bago natuloy.

Nauna nang sinabi ni Bea na dating sila ng actor pero hindi exclusively. “No. Wala pa kami. Ang hirap kasing sabihin, alam mo, parang in a way, as much as I don’t want to be a prisoner of my past, meron din akong parang, nahihiya ako sa mga tao na ‘I’m 33, I am dating. Hindi ko alam kung it will materialize into something else or like it would lead to something else but then, what if I fail again? I don’t want to keep failing in front of you guys, it’s embarrassing,” aniya sa isang interview last April.

Ang tanong nila, nagbago na raw kaya ang status nila, at kelan daw kaya sila magiging honest kung totoo ngang may something sa kanila.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with