^

PSN Showbiz

Pokwang 2019 nag-umpisang makipag-usap sa GMA!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Pokwang 2019 nag-umpisang makipag-usap sa GMA!
Pokwang

Umamin si Pokwang na siya ang nag-alok ng sarili niya sa GMA 7. Isang common friend daw nila ang nag-ayos para finally ay matuloy ang pagiging Kapuso niya pero matagal ang naging proseso.

At kahapon nga ay ipinakilala na siya bilang isang Kapuso star.

Pumirma na siya ng kontrata sa GMA Artists Center, talent arm ng network, na nababalitang magiging consultant ang dating mga bossing Star Magic na sina Mr. Johnny Manahan and Ms. Mariole Alberto. “Ako talaga ‘yung magpapasalamat kasi sila ang nag-yes sa akin. Kasi ako talaga ‘yung lumapit, since 2019 pa kami nag-uusap-usap at in all fairness naman, binuksan nila ‘yung mga braso sa akin.

“Kasi bilang artista, marami pa akong gustong i-share, marami pa akong gustong gawin. And thankful at nabigyan naman nila ako ng pagkakataon,” sabi ni Pokwang kahapon sa formal na pagtanggap sa kanya ng GMA 7 na may blessing daw ng mga kinauukulan ng ABS-CBN.

At kabilang sa mga gusto niyang makatrabaho ay sina Alden Richards, Rayver Cruz, Marian Rivera and Jennylyn Mercado. “Excited lang talaga sobra and nilu-look forward ko po na makatrabaho lahat, kung pwede lang sana silang lahat. Sila na mahuhusay at especially po syempre yung ating kapwa komedyante na nandito rin po sa GMA. ‘Yan kasi namimiss ko na rin po talagang gumawa ng comedy na kung saan naman talaga ako nabibilang,” aniya na ang tinutukoy ay sina AiAi delas Alas at Eugene Domingo.

At nang tanungin siya kung ano bang show ang gusto niyang gawin, if ever na bibigyan siya ng chance to choice? “Alam naman natin cooking is my passion talaga ‘di ba cooking at saka ‘yung travel, ganyan. Alam mo gusto ko maging babaeng Anthony Bourdain (American chief). ‘Yun kasi idol na idol ko kaya nga nung namaalam siya sa Earth parang ‘di ko agad natanggap sabi ko ‘oh bakit?’ Alam mo ba meron akong libro ni Anthony Bourdain mabigat siya na lagi kong bitbit ‘pag pumupunta ako sa ibang bansa just in case na masalubong ko siya, magpapa-autograph ako talaga. Pero ngayon ‘di ko naman siya gustong masalubong iba na ‘yun,” natatawang chika nito.

Pero so far ano ‘yung realization/lesson learned niya sa showbiz? “‘Di ka habang buhay kikita bilang artista. Hindi ka habang buhay kikinang bilang artista. So dapat talaga nag-iisip ka. Hindi ka lang ‘yung puro ubos-ubos biyaya ‘pag wala, nganga. Isip-isip kung saan ka pa ba puwedeng extrang kita ganyan ‘di ba. Kung ‘yun ngang mayayaman sobrang yaman nag-iisip pa ng pagkakabuhayan hindi po ba. So ayan dumating pa ‘tong pandemic so mas lalo na. So kaya sabi ko since may talent naman ako sa pagluluto, dinevelop ko talaga ‘yun papuntang negosyo.”

Bago pa man nagka-pandemic ay nag-umpisa na siya sa negosyong pagkain na ngayon daw ay malakas at kumikita na siya.

 

vuukle comment

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with