^

PSN Showbiz

Ogie may tribute para sa kanyang namayapang ama

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Ogie may tribute para sa kanyang namayapang ama

Napapanahon ang paglunsad ni Ogie Alcasid ng kanyang bagong komposisyon na Thank You, Pa bilang regalo niya para sa lahat ng mga tatay ngayong Father’s Day.

“This is a song that I wrote for my dad just in time for Father’s Day,” kuwento ng multi-awarded artist, na isinulat ang kanta pagkatapos mamaalam ang kanyang pinakamamahal na ama na si Herminio Alcasid Sr. noong Setyembre ng nakaraang taon.

Hatid ng Thank You, Pa ang pasasalamat sa mga tatay na patuloy na naniniwala sa kanilang mga anak at sumusuporta sa kanilang mga pangarap.

May mga linya rin ito tungkol sa pananabik sa mga padre de pamilya na namaalam na ngunit patuloy na sumusubaybay sa kanilang mga anak mula sa langit.

Si Ogie mismo ang nagprodyus ng kanta kasama si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo. In-arrange naman ito ni Bobby Velasco at ini-release ng Star Music.

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with