^

PSN Showbiz

Matteo, aminadong puro yes kay Sarah!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Palaging sumasang-ayon si Matteo Guidicelli sa mga kagustuhan ng asawang si Sarah Geronimo.

Kaya natanong ang aktor kung miyembro rin ba ng ‘bullied husbands club’ na pinauso ng kaibigan ni Matteo na si Nico Bolzico. “Our wives are always correct. Ang masasabi ko lang, sila they call themselves bullied pero ako naman I respect that. And I just say yes all the time,” natatawang pahayag ni Matteo.

Maging sa mga pinapanood sa telebisyon ng mag-asawa ay palaging ang Popstar Royalty ang nasusunod. Wala naman umano itong problema kay Matteo dahil maganda rin ang mga programang gusto ni Sarah. “Siyempre she’s always the boss,” dagdag ng aktor.

Kung mayroong hindi pagkakaintindihan ay agad naman daw itong naaayos ng mag-asawa bago matulog sa gabi. “We have to fix it before we go to bed. Kasi pangit eh ‘pag may galit. Before we sleep, we try to fix it. kung ‘di maayos, eh ‘di when we wake up, bagong araw na ‘yan so smiling na,” makahulugang paglalahad niya.

Mahigit isang taon nang kasal ang sina Sarah at Matteo at sa ngayon ay hindi pa nagmamadaling bumuo ng pamilya.

Ang mga alagang aso ang nagiging libangan at nagpapasaya sa mag-asawa kapag nasa bahay. “It’s beautiful. Everything is a gift and everyday is a blessing with my wife. It would be a blessing just to have one (child). In the right time, it will happen,” pagtatapos ng aktor.

Ryan, wish makumpleto ang Showtime

Noong Miyerkules ay ipinagdiwang ni Ryan Bang sa It’s Showtime ang kanyang ika-30 kaarawan. Ibinahagi ng binata sa Madlang Pipol ang kanyang natatanging kahilingan. “Ang birthday wish ko talaga sa harap ng camera natin gusto ko kumpleto na sila. Na-miss ko kasi si Ate Anne (Curtis) at saka si Kuya Jhong (Hilario). Iba talaga ang Showtime kapag kumpleto tayo. Gusto ko lahat ng kilala ko na tao dahil sa pandemic nawalan sila ng trabaho, sana magkaroon sila ng trabaho,” pagbabahagi ni Ryan.

Nagbigay naman ng mensahe ang kaibigang si Vice Ganda para sa binata. Isa ang komedyante sa mga pinakamalapit na kabigan ni Ryan sa industriya. “Ang wish naming lahat ay maging masaya ka habangbuhay. Maraming-maraming rason para maging masaya ka, kasi ibang saya ang ibinibigay sa amin ng mga ngiti mo. Source of joy ka talaga namin. Normal ka namang tao, marami kang pinagdadaanan pero never naming nadama ang stress sa iyo. Ang gaan-gaan mong tao, kaya nga you are forever gonna be everyone’s baby. Sana forever kang happy at forever mong maramdaman na mahal na mahal ka namin,” mensahe ni Vice para kay Ryan. (Reports from JCC)

 

 

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with