^

PSN Showbiz

Bigating Kapamilya star, magkokontrabida kay Bong!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Heto na nga! Kinakasa na raw ang book two ng Agimat ng Agila, dahil ilang episodes na lang matatapos na ito ayon kay Sen. Bong nang tawagan niya ako.

Magkakaroon daw muna ng season break, pero kailangang simulan na ang taping ng book two.

Tamang-tama, tapos na rin naman si Sanya Lopez sa First Yaya kaya makaka-concentrate na siya rito sa Agimat ng Agila.

Ang isa pang narinig ko ay may mga bigating artista pa raw na idadagdag sa bagong kuwento nito.

Kapag pumuwede raw sa schedule, baka first time na gaganap bilang kontrabida rito sa Agimat ng Agila ang isang kilalang aktor na galing sa Kapamilya channel.

Ang isa pa palang excited si Sen. Bong ay ang nalalapit na kasal ng anak niyang si Gianna Revilla na halos isang taon na ring engaged kay Jed Patricio.

Suporta lang si Sen. Bong sa pag­hahanda ni Gianna sa wedding nito sa November 11 ng taong ito.

Simpleng Christian wedding lang daw, at intimate lang ang selebrasyon para sa kanilang pamilya na napakalaki naman.

Gaganapin daw ito sa rest house ng Daddy Ramon Revilla Sr. sa may Silang, Cavite.

At sa susunod na linggo ay gugunitain na nina Sen. Bong ang pagpanaw ng kanilang ama. Hindi mo raw akalaing isang taon na pala ito, dahil sariwa pa rin daw sa kanilang alaala, at nangungulila pa rin silang lahat sa kanilang Daddy Ramon.

Rita at Ken, aminadong maraming pinagdaanan sa bagong serye

Isang K-drama raw muna ang ipinalit sa timeslot ng Heartful Café na katatapos lang kagabi.

Ang Legal Wives dapat ang kapalit, pero tulad sa nasulat namin, hindi na naman ito natuloy kaya ang huling nakita naming plug nila ay isang K-drama ang eere.

Baka sa June 28 daw ay babalik na sa lock-in taping ang Legal Wives at kailangang matapos nila ang buong season.

Sa Lunes, June 21, ay magsisimula na ang Ang Dalawang Ikaw sa afternoon prime ng GMA 7. Mapapanood ito pagkatapos ng Eat Bulaga, at excited na ang dalawang bidang sina Ken Chan at Rita Daniela.

Matagal na dapat ito magsisimula, pero ang dami ring problemang hinarap nito, kaya ang laking pasasalamat nina Ken at Rita na matutuloy na rin ito sa darating na Lunes. “Naniniwala kasi ako na ‘pag hindi pa talaga time, hindi pa.

“So, baka naman inurong din talaga ni God, kasi ito talaga ‘yung time na binigay niya para sa show para sa Ang Dalawang Ikaw, kung saan mas maraming taong makakapanood. Siguro po… kasi baka kung tinuloy namin nun, konti lang ‘yung makakakita o hindi natin alam.

“Kumbaga, naniniwala kasi ako na naka-timing lahat ‘yan eh. Nasa right timing lahat. Naudlot man kami, pero alam kong naniniwala ako na ito ‘yung right moment for us. Ito na ‘yun!” nakangiting pahayag ni Rita.

Agree rin naman si Ken sa mga sinabi ng ka-partner niya rito. Nalungkot man daw sila sa pagkaantala ng airing nito noon, pero tingin daw niya ngayon nga talaga ang right timing. “Tama po ‘yung sinabi ni Rita. Destined po kaming ipalabas sa June 21, at si Lord po ang may dahilan nun.

“Honestly, hindi naman po talaga ako nalungkot because pinapaalala po sa amin ng mga boss po namin at ng production po, na normal lang ‘yun na ang mga teleserye talaga nag-iiba-iba ng dates, and especially ngayong pandemic, hindi mo talaga alam ang kilos at galaw ng mga date ngayon dahil mahirap po talaga. Ipinaliwanag po sa amin na huwag kayo mag-alala because mapapalabas at mapapalabas tayo.

“We just need to relax, rest muna buong production para pagdating ng lock-in taping namin, okay lahat. Energized lahat. Refreshed lahat.

“Totoo po ‘yun, na after po nung nagpahinga kami ilang linggo lang para sa last lock-in taping namin, lahat kami ganadong magtrabaho. Lahat kami nag-compromise sa isa’t-isa. Kaya ang ganda po ng kinalabasan,” saad naman ni Ken.

vuukle comment

KAPAMILYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with