_ngayon
^
Kyle excited nang bumoto
Kyle

Kyle excited nang bumoto

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 18, 2021 - 12:00am

Hindi kalaban ang tingin ni Kyle Echarri kay Darren Espanto kahit sabay sila ngayong nagpo-promote ng digital concert at kasama ito sa nagsulat ng isa sa kanta sa kanyang new album na #NewViews. “People see us as ‘magkalaban,’ syempre magkaedad kami, sumasayaw, kumakanta. But I’ve never trusted anyone as much as I trust Darren in the industry. We never look at each other as magkalaban, we both push each other to be better,” sagot ng Gold Squad member sa media conference na ginanap kahapon para nga sa kanyang new album and birthday concert.

Roller coaster naman ang naging karanasan ni Kyle sa nasabing new album. “Kasi it’s been a whole year since lockdown and I had to go through so many problems. I was supposed to drop it last year pero I wasn’t able to finish so I’m happy that I’m finally able to release it.”

Birthday wish naman ay: “Sana matapos na po ang pandemya na ‘to. Nakaka-miss talaga ‘yung mga supporters. Sana magpabakuna po tayong lahat. I’m very excited kasi 18 na po ako and I can register to vote for the 2022 elections.”

40 stars pipirma sa ABS-CBN, management groups sanib-puwersa na

At kung marami ang naglilipatan na sa GMA 7, mahigit naman sa 40 stars ang pipirma sa ABS-CBN sa gaganaping Star Magic Black Pen Day sa Sabado (Hunyo 19).

Mismong ang Star Magic head at ABS-CBN entertainment production head na si Laurenti Dyogi ang sasalubong sa kanila ngayong weekend, kung saan mangyayari na rin ang pagsasanib-puwersa ng lahat ng management groups sa ABS-CBN sa ilalim ng Star Magic.

Kabilang dito ang Star Hunt Management ni Raymund Dizon; ang Polaris Artists sa ilalim ni Reily Santiago; RISE Artists Studio sa pangunguna nina Mico del Rosario at Olivia Lamasan ng ABS-CBN Films; at ABS-CBN Music sa ilalim nina Jonathan Manalo at Roxy Liquigan.

KYLE ECHARRI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with