_ngayon
^
Teleserye nila Andrea, hindi na naman tuloy ang pagpapalabas!
Andrea

Teleserye nila Andrea, hindi na naman tuloy ang pagpapalabas!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - June 18, 2021 - 12:00am

Anong petsa na?

Hindi na naman matutuloy ang airing ng Legal Wives na dapat ay magsisimula sa darating na Lunes, June 21.

Sa Facebook account ng naturang drama series ay may countdown pa sila, pero nitong nakaraang Lunes lang ay in-announce na nilang hindi na muna sila matutuloy ng airing.

Shoutout sa kanilang FB account, “Mga Kapuso, mukhang di tayo tuloy sa June 21 (crying emoji). Wait for the official announcement from GMA.”

Papalitan dapat nila ang timeslot ng Heartful Café na matatapos na ngayong araw.

Ang pina-plug ngayon ng GMA 7 na magsisimula na sa Lunes ay ang Ang Dalawang Ikaw nina Ken Chan at Rita Daniela para sa afternoon prime na susunod sa Eat Bulaga.

Ang buong akala namin ay ililipat na ito sa gabi dahil nga sa pagkaantala ng Legal Wives pero panghapon daw talaga ito. Text nga sa akin ni Andrea Torres na bahagi ng Legal Wives; “I think best po wait na lang po natin official announcement po ng GMA.”

Marami na ngayon ang nagtatanong bakit muli na namang naudlot ang airing ng Legal Wives.

Sa aming pagkakaalam, ang gusto talaga ng production ay tatapusin muna talaga nila ang buong season bago sila umere. Ayaw nilang mabitin sila, dahil ang hirap talaga ng proseso ng lock-in taping na may mahigpit na ipinapatupad na safety protocols.

May narinig lang kaming isang staff na nag-positive sa pangalawang RT PCR test kaya kaagad na nag-pack up sila.

Kailangang ma-quarantine ang lahat at i-test kung meron bang nahawa, pero mabuti naman at awa ng Diyos, negative naman daw lahat. Pero bilang bahagi ng safety and health protocols, kailangan pa rin nilang ma-quarantine ng dalawang linggo bago sila bumalik sa taping.

Sa pagkakaalam ko rin, nakatakda na silang bumalik sa taping bago matapos ang buwang ito.

Kokoy gustong makatambal si Barbie

In-announce na rin ng GMA 7 na confirmed ngang sina Sef Cadayona at Mikee Quintos na ang bida sa bagong sitcom ng prequel ng Pepito Manaloto, na Ang Unang Kuwento.

Nagsisimula na rin silang ma-quarantine ngayon bilang paghahanda sa taping nila most probably next week.

Pero bukod sa na-announce nang sina Sef at Mikee, ngayong araw din ay ia-announce na rin ng GMA Artist Center na sa kanila na si Pokwang. Magiging bahagi na rin si Pokwang ng Unang Kuwento at may mga nai-tape na siyang ibang guestings, kagaya ng The Boobay and Tekla Show at ang Wish Ko Lang.

Bukod kay Pokwang, kasama rin sina Gladys Reyes, Archie Alemania, Kristoffer Martin, Jay Arcilla, Kokoy de Santos at ilan pang Kapuso stars.

Excited si Kokoy sa pagsali sa kanya sa naturang sitcom. “Nine o ten years old po yata ako nun, isa ako dun sa mga kalaro ng batang si Jake Vargas,” kuwento sa amin ni Kokoy nang makatsikahan namin sa DZRH noong nakaraang Miyerkules ng gabi.

Kaya tuwang-tuwa raw siya nang napasama na siya sa virtual story conference, dahil talagang dream daw niyang makatrabaho si Michael V. na isa sa iniidolo niya.

Sabi nga namin kay Kokoy, sana bukod sa Unang Kuwento, mabigyan din siya ng isa pang magandang project.

Tinanong namin siya kung sino sa mga Kapuso leading ladies ang type niyang maka-partner. “Bilib po ako kay Barbie Forteza eh. Gusto ko po sana siyang makatrabaho,” pakli niya.

Sana nga tuluy-tuloy na ang pagiging Kapuso ni Kokoy.

ANDREA TORRES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with