_ngayon
^
Richard, may nerbiyos sa bagong paligid!
Richard
STAR/ File

Richard, may nerbiyos sa bagong paligid!

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2021 - 12:00am

Next month na ang umpisa ng taping nina Richard Yap and Heart Evangelista for I Left My Heart In Sorsogon. Kasama rin nila si Paolo Contis.

Mismong ang Kapuso actor ang nag-confirm na matutuloy ito by next month and hoping si Richard na within this year ay mapapanood na ito.

Ito ang first major project ng dating Kapamilya actor sa GMA 7 matapos siyang pumirma ng kontrata last January.

At aminado siyang nae-excite siyang katrabaho si Heart. “I’ve always looked up to her. She’s one of the fashion icons and talagang one of the leading ladies that I’ve always wanted to work with.”

Ano naman ang pakiramdam niya na ipinakilala na siya as Kapuso matapos ang matagal na panahon ng pagiging Kapamilya?  “Finally puwede ko nang sabihin na Kapuso na ako. And happy ako. Thank you so much for giving me this chance to work with them and I’m so happy at the same time aaminin ko I am nervous also kasi it’s a new surroundings, new group of people. You know change is good. With all the changes na nangyayari sa buhay natin ngayon, sa mundo natin ngayon at pati na rin sa showbiz nakikita mo naman ang daming ibang artista nakikipag-collaborate sa ibang station pati na rin ‘yung mga worker nakikipag-collaborate din sila,” aniya sa zoom conference kahapon.

Aminado siya na hindi niya ini-expect na mapupunta siya sa GMA kaya naman aniya overwhelmed pa rin siya sa nangyari.

Aside from Heart sino pa ang gusto niyang makatrabaho sa GMA? “Naku ang dami! Sa mga babae pa lang si Marian Rivera, si Carla Abellana, and also Jennylyn Mercado, her boyfriend Dennis Trillo, Alden Richards, Dingdong Dantes and of course Gabby Concepcion. Tinanong nga nila ako kung ano raw ang kaya ko gawin, sabi ko ‘I can do everything,’” dagdag pa niya.

“Pwedeng sampalan, suntukan. Ang hindi ko lang talaga kaya ‘yung kumanta baka katapusan na ng career ko ‘yun. ‘Yun lang, kaya ko naman kumanta pero mga 5 hours na recording. I’m excited talaga to do everything. Sabi ko kaya ko lahat. I mean syempre may mga bagay din na kailangan kong i-consult sa asawa ko you know what I mean pero anything else kaya kong gawin.”

Ano ang mga lesson/experience na gusto niyang baunin galing sa ABS-CBN sa GMA? “Work and also respect. No matter mataas o mababa learn to respect them. And also work hard. So ‘yan ‘yung mga binabaon ko ngayon. Just work hard, and don’t take anything for granted and respect,” pahayag pa niya.

GMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with