_ngayon
^
Mga artistang bakunado na, mas dumami pa
Pia
STAR/ File

Mga artistang bakunado na, mas dumami pa

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2021 - 12:00am

Mas dumami pa ang mga artistang nagpapabakuna.

Pero kung karamihan ay Sinovac at AstraZeneca ang pinaturok, Sputnik V naman ang kay Pia Guanio at husband niya.

Hindi na namili ang dating GMA 7 Showbiz Chika host :  “It was Sputnik. Didn’t want to be choosy. Just to get vaccinated” nang tanungin siya ng isa niyang follower.

Naka-second jab na siya ng Sputnik.

Kasama naman sa mga nabakunahan na sina Dawn Zulueta, Sharon Cuneta, Eric Quizon, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, JM de Guzman, Joross Gamboa, Vhong Navarro, Matet de Leon, Jane Oineza, RK Bagatsing, Ruru Madrid and Bianca Umali.

In all fairness, dahil sa pagpapabakuna ng mga artista, mas dumami na ang pumipila sa vaccination site. At hindi na sila namimili ng brand ng bakuna.

Kaya ang dilemma naman, baka hindi magkasya ang available na bakuna.

Kasama rin sina Dingdong Dantes at Ma­rian Rivera sa listahan ng mga nabakunahan na kontra COVID-19. Nais ng mag-asawa na hikayatin ang lahat na magpabakuna para maprotektahan ang kani-kanilang mga pamilya laban sa virus.

Dahil nga rito ay maraming netizens na ang nagsasabing sana ay kuning ambassadors ng Department of Health sina Marian at Dingdong dahil marami silang neengganyong magpaturok na rin.

Talakan ng mga beki sa miss q & a, ibabalik sa Kumu

Magbabalik ang Miss Q & A sa Kumu app ngayong Hunyo, kaya’t imbitado ang lahat ng mga beki sa buong mundo na sumali sa sikat na tagisan ng kudaan ng It’s Showtime.

Nagbukas na ang worldwide auditions para sa bagong edisyon nitong pinamagatang Miss Q & A: The Search for KUMUkudaan Queen para sa mga beki na mahilig dumaldal at may edad 18 at pataas.

Para mag-audition, mag-download lang ng Kumu app at magrehistro para makagawa ng account.

Sa sariling account, mag-post ng isang minutong video suot ang palabang outfit, ipakilala ang sarili gamit ang isang pangmalakasang intro, at ipahayag kung bakit karapat-dapat na maging Miss Q & A KUMUkudaan Queen.

Sa mismong entry o post, isulat ang pangalan, edad, at ang siyudad o probinsyang pinanggalingan at gamitin ang official hashtag na #MissQandAonKUMU. Kasunod nito, pindutin ang “publish” at ibahagi ang post sa iba’t ibang social media accounts.

Isang video audition bawat Kumu account lamang ang kikilalanin ng It’s Showtime. Tatanggap naman ng mga entry ang programa hanggang Hunyo 25.

ASTRAZENECA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with