_ngayon
^
International album ni Inigo na mapapakinggan na, walang paki kay Maris
Inigo
STAR/ File

International album ni Inigo na mapapakinggan na, walang paki kay Maris

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2021 - 12:00am

Bibida na worldwide simula sa June 25 (Biyernes) ang Options album ni Inigo Pascual, tampok ang 12 orihinal na kanta na layuning maipakilala ang tunog ng Original Pilipino Music (OPM) sa buong mundo.

Ini-record ni Inigo ang kanyang ikalawang full-length album at kauna-unahang international album kasama ang iba’t ibang producers at songwriters mula sa Manila at California sa loob ng dalawang taon.

Pangunahing konsepto ng Options album ang ‘self-discovery’ at paglalakbay ng isang tao sa mundong puno ng posibilidad. Maririnig dito ang pag-explore ni Inigo sa kanyang musika sa pamamagitan ng dance pop, island pop, dancehall, R&B, reggae, at acoustic tracks na ipinrodyus ng ABS-CBN Music label na Tarsier Records.

Carrier single naman ng album ang Neverland na ipinrodyus ng global hit producer na si Bernard  HARV Harvey.

Obvious na sa music nga nakatutok si Inigo habang in love naman ang ‘ex’ niyang si Maris Racal kay Rico Blanco.

OPM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with