_ngayon
^

Young actress na ‘di lumaki sa ama mahilig sa mas matanda, ‘di pinatulan ng pamilyadong aktor noon

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2021 - 12:00am

Ang dami na palang nakaalam at pinag-uusapan na sa isang network ang namamagitan kay guwapong veteran actor at baguhang young actress.

Sila rin ‘yung naikuwento ko sa column ko kahapon, pero wala pa akong nasagap na ilang detalye.

Ayon sa ilang nagbigay ng ka­ragdagang kuwento sa amin, itong si young actress daw talaga ang interesado kay veteran actor. Hindi lang daw minsan kundi ilang beses na raw nangyari dahil laging nakababad si young actress sa kuwarto ni veteran actor.

Malamang hindi pa ito alam ng production staff, dahil bawal iyon.

Dapat nasa kuwarto mo lang ikaw nakatigil at hindi puwedeng makipagtsikahan at magtipun-tipon sa isang kuwarto.

Sabi naman ng aming source, maaaring nangungulila lang daw si young actress sa pagmamahal ng isang ama. Hindi kasi siya lumaki sa piling ng kanyang ama na napahiwalay sa kanila noon pa.

Saka hindi lang daw ito minsang nagkainteres si young actress sa mga lalaking halos tatay na niya.

Tila mahilig daw talaga ito sa lalaking malaki ang tanda sa kanya, dahil meron daw ‘yang nilalandi dati na halos tatay na rin niya. Nagulat pa raw ang aktor na iyon dahil parang okay lang daw sa nanay nitong young actress. Pero hindi raw kumagat si aktor, dahil may pamilya siya at napakabata pa nitong young actress na ito.

Tingnan na lang natin kung magkakadebelopan nga itong si young actress at itong si guwapong veteran actor na matagal na rin namang malamig ang gabi dahil wala na siyang nakakatabi sa kama.

Kitkat, hindi na ‘tao’  ang tingin kay Janno

Ipinagkibit-balikat na lamang ni Anjo Yllana ang mga sinabi ni Kitkat sa nakaraang interview namin sa kanya sa aming radio program. Sinabi kasi ni Kitkat na noon pa man ay talagang pinagtutulungan na raw siya nina Janno Gibbs at Anjo na i-bully.

Bago pa pumutok ang away nila noon ni Janno ay gusto na raw niyang mag-resign noon pa dahil halos araw-araw ay umuuwi raw siyang umiiyak dahil sa lagi raw siyang nabu-bully ng dalawa niyang co-host sa Happy Time. “Actually, una po akong nabu-bully ni Kuya Anjo, pero nag-sorry po siya nun eh. Pinag-sorry po siya sa akin, tapos ako naman po, okay po ako and in good faith na talagang malinis na puso na nakita ko naman pong talagang nag-sorry siya.

“Pero siyempre po sa six months na ‘yun dahil talagang sila ang mag-bestfriend, alam mo ‘yung feeling na pinagkakaisahan ako po. Ganun po ‘yung feeling.

“Bago nangyari po ‘yun, ayoko na po talaga, gusto ko na na nung mag-resign,” pahayag ni Kitkat nang nakatsikahan namin sa DZRH noong nakaraang linggo.

Pero okay na raw sila ni Anjo at okay nga raw siyang makatrabaho uli si Anjo kung sakali. Pero si Janno ay ayaw na raw talaga niya. “Si Janno po kasi may takot na ako sa kanya eh. Kumbaga, hindi na tao minsan ang nakikita ko sa kanya. Takot na ako sa kanya,” diretsong sagot ni Kitkat.

Sabi naman ni Anjo, sa tingin naman daw niya wala talagang malalim na pinag-ugatan itong away nina Janno at Kitkat.

Naniniwala pa rin daw siyang darating ang araw na magkikita-kita uli at makalimutan na ang episode na iyon ng kanilang career.

Mas gusto na lang muna ni Anjo na mag-focus sa taping nila sa Happy Time na ginagawa na nga raw nila sa Philippine Arena.

HAPPY TIME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with