_ngayon
^

Melai, pangarap noong makapag-asawa ng matandang Amerikano

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2021 - 12:00am

Mayroon ilang maselan na eksena sina Melai Cantiveros at Jason Francisco sa pelikulang Momshies! Ang Soul Mo’y Akin.

Ayon sa aktres ay nakakatawa lamang naman ang kanilang ginawa ng asawa sa naturang digital film. “Ginawa ko lang ‘yon kasi kasama ko asawa ko and joker naman talaga ‘yon. Sobrang joke ‘yung pagkagawa namin. Wala naman siguro maano do’n sa ginawa namin kasi kadiri. Siguro maraming nasuka kesa naseksihan sa amin. Ako talaga nag-suggest kay direk. Hindi ako nagdalawang-isip kasi si Jason naman kasama ko, asawa ko naman and para mas nakakatawa naman. So walang problema,” nakangiting pahayag ni Melai.

Para sa Magandang Buhay host ay malaki ang pagkakahawig ng kanyang karakter bilang si Mylene sa kanyang personal na buhay. “Ang similarity ko kay Mylene sa buhay ko is ‘yung pagiging busy din na minsan wala nang time din sa asawa at sa mga anak. Pero si Mylene kasi wala pa siyang mga anak doon. Minsan inuuna mo ‘yung pangarap mo kasi. So parang gano’n din ako na strike while the iron is hot. Minsan kailangan mo din talaga i-balance. Kasi ang asawa mo nangangailangan din ng time. So similar din siya,” paliwanag ng aktres.

Kung hindi naging artista ay ang makapag-asawa ng Amerikano ang tanging pinangarap ni Melai noon. “Bago ako mag-artista ang plano ko mag-abroad ako at mag-asawa ng Amerikano na matanda. Kasi ‘di ba parang ‘yun ‘yung sinasabi sa mga probinsya na parang do’n na-stuck ‘yung utak ko na para maahon ang pamilya sa kahirapan. So parang gusto mo na makita abroad. ‘Yon din ang pangarap ko,” pagtatapat ng komedyante.

Sunshine at Timothy sanay na sa hiraman ng mga anak

Kahit nagkahiwalay na ay maayos pa rin ang pakikitungo sa isa’t isa nina Sunshine Dizon at Timothy Tan. Ayon sa aktres ay napakabu­ting ama ng dating asawa sa kanilang dalawang anak. “Hindi na ako masyadong will go into details kasi open book naman. And we came to the agreement that co-parenting is the best for them. Kumbaga sa nadapa at nagkamali, hindi ko naman matatawaran si Timothy bilang tatay. Kasi he’s very hands on. ‘Yon naman ang bawi niya talaga. Ito ay ever since maliliit pa lang talaga ‘yung mga anak ko. He really drives for my kids no’ng pre-pandemic, siya naghahatid-sundo. Everything that my kids need, he’s always there,” paglalahad ni Sunshine.

Wala umanong problema sa aktres kung pumupunta man ang kanyang mga anak sa bahay ni Timothy.

Kapag mayroong trabaho ang aktres ay nananatili muna ang dalawang bata sa bahay ng ama. “Hindi na issue ‘yung magkikita ‘yung anak, deadma na ‘yon. Basta for my kids, kumbaga ang akin is gawin mo ‘yung obligasyon mo sa mga bata at ‘yung responsibilidad mo sa mga bata. Hindi tayo mag-uusap, okay ako doon. I’m just glad that Tim is there for my kids because I will not be able to do my part kung wala din siya sa picture,” pagbabahagi ng aktres.

MELAI CANTIVEROS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with