Korean actor na si Park Seo Joon, pasok sa Marvel Movie?!
Wow, may chikang pasok ang Korean actor na si Park Seo-Joon sa sequel ng Captain Marvel, The Marvels.
Ito ang naglabasan kahapon sa ilang Korean websites.
Pero wala pa diumanong kino-confirm tungkol dito ang management group ng sikat na Korean actor.
Itaewon Class ang last drama series ni Park Seo-joon na favorite ng maraming Filipino fans.
Pero kung true ang chika ayon sa soompi.com, pangatlo na si Park Seo-joon sa Korean actor na lalabas sa Marvel movie. Nauna na sina Claudia Kim sa Avengers: Age of Ultron and Ma Dong Seok in Eternals.
Apat pa lang ang confirmed na kasama sa The Marvels - Brie Larson, Zawe Ashton, Iman Vellani and Teyonah Parris.
- Latest