_ngayon
^
Miss World Candidate, Dating Tauhan Ni Raffy Tulfo
Take It...hosts with Ms. Nina Taduran and Joy Barcoma
STAR/ File

Miss World Candidate, Dating Tauhan Ni Raffy Tulfo

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 16, 2021 - 12:00am

Dumaan kahapon sa Take It... Per Minute, Me Ganun ang Miss World PH 2021 candidate na si Joy Barcoma na alaga ni Cong. Niña Taduran.

Ang ganda ni Joy, mukhang bombayin at beauty queen ang dating.

Pero may ka-feature siya sa 40 something na contestants ng Miss World PH.

Advantage lang ni Joy na mahusay siyang magsalita at kumanta.

Advocacy niya ang mental health solution.  “Marami na po kasing aware na sa mental health problems pero minsan hindi rin nila alam ang immediate solution, so dun po ako magpo-focus,” aniya sa interview nina Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu.

Wala pang venue ang gagana­ping Miss World 2021 next month pero 45 girls ang maglalaban-laban.

Home workout ang ginagawa ni Joy at sariling sikap ang diet.

Jino-joke siya kahapon sa TIPMMG kung hindi ba siya naging dyowa ni Raffy Tulfo. Hahaha.

Naging production assistant ng Raffy Tulfo in Action si Joy.

Anyway, ever since ay nakita na ni Cong. Niña ang potential ni Joy na first time sa national beauty pageant kaya talagang nasa college pa lang ito ay tinutulungan na niya.

Isa rin nga pala sa pinag-usapan kahapon sa TIPMMG ang tungkol sa extension ng Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Kung noon daw kasi ay hanggang cycle 7 na lang ito, nagbago raw ang plano, may cycle 8 and 9 pa ito.

So baka raw umabot pa ito until October, na filing of candidacy na sa mga kakandidato sa 2022.

Saka sabi raw ng ABS-CBN, bakit kailangan pang magbago ng programa eh itong Probinsyano grabe ang followers sa digital platforms.

Samantala, nasusuka at nahihilo na raw sa pressure si Willie Revillame dahil talagang everyday siya kinakausap ni Presidential spokesperson Harry Roque.

Pinakakandidato ring senador ang bilyonaryong TV host ng grupo ni Pres. Digong.

‘Yan at marami pang iba, kasama ang blind item tungkol sa isang actor na diumano’y ‘nakipag-lock in’ sa isang baguhang aktres na may dugong showbiz ang episode 102 ng number 1 digital talk show na mapapanood sa Facebook page and YouTube channel ng Pilipino Star NGAYON..

MISS WORLD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with