_ngayon
^
Jodi, nakita ang struggle ng anak kaya pinilit magtapos ng kurso
Jodi
STAR/ File

Jodi, nakita ang struggle ng anak kaya pinilit magtapos ng kurso

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - June 16, 2021 - 12:00am

Hindi naging madali para kay Jodi Sta. Maria ang naranasang thesis defense kamakailan. Bukod dito ay nahirapan din ang aktres sa pananaliksik para sa kanyang thesis.

Masayang-masaya si Jodi dahil makapagtatapos na ng kolehiyo dahil napagtagumpayan ang kanyang thesis defense na inabot ng ilang oras. “The defense lasted for three hours. I was so nervous, at the back of my head I was just really praying na, ‘Lord, can you just bless me with the spiritual knowledge and the wisdom to answer the queries of the panel. I never realized na meron palang mas stressful pa sa pagiging showbiz, pero iba rin ‘yung fulfillment,” kuwento ni Jodi.

Taong 2017 nagsimula ang aktres sa kursong Psychology at talagang pinagsumikapang makatapos kasabay ng kanyang pagtatrabaho. “I knew in my heart na it was something na tatapusin ko. It’s just a matter of timing and opportunity. I was thankful din kasi I was treated as a normal student. ‘Yung walang special treatment, kung ano ‘yung pinagdaanan ng regular na estudyante ‘yon ang pinagdaanan ko.

“I started going back to school when I was 28 years old. I wanted to finish my 4th year high school and right after that I jumped into college in 2010. Kaya lang I wasn’t able to finish kasi ang demanding ng course ko no’n na medical biology,”  pagbabahagi niya.

Samantala, kamakailan ay nakapag-moving up ceremony na bilang Grade 11 ang anak ni Jodi at Pampi Lacson na si Thirdy.

Ayon sa aktres ay talagang nakaramdam siya ng pressure na tapusin ang pag-aaral dahil sa nag-iisang anak. “Ako ang na-pressure sa kanya. Sabi ko, ‘Shocks! Kailangan ko talagang mag-graduate kasi nakakahiya.’ I was inspired by him na pandemic pero natapos niya ‘yung school. Nakita ko ‘yung struggle niya. Wala akong reason para hindi ‘to matapos ngayon,” pagtatapos ni Jodi.

Maymay, nilinaw ang relasyon nila ni Donny

May bulung-bulungan na may espesyal nang namamagitan kina Maymay Entrata at Donny Pangi­linan. Agad namang pinabulaanan ng aktres ang tungkol dito. “Isa ito sa assumptions (ng mga tao) nang sa gayun ma-clear talaga. Hindi ako in a relationship kay Donny or kay Edward (Barber) man. Siguro nagsimula ‘yan kay Donny dahil kasama ko siya lagi sa iWant ASAP. At doon yata sa mga clip na parang na-misunderstood nila ‘yung mga galawan namin. ‘Yung smile na akala nila nagtitinginan. Hindi ko alam talaga. Jusko day! Pero hindi po kami ni Donny. Wala po kahit sino sa showbiz, wala,” paglilinaw ni Maymay.

Ayon sa aktres ay isang non-showbiz guy ang nagpapasaya sa kanya ngayon. “Nabanggit ko na naman po ito sa isang maga­zine na may nagpapasaya sa akin. Opo, hanggang doon na lang, basta wala sa showbiz,” pagtatapat ng dalaga.

Malaki ang pasasalamat ni Maymay sa mga tagahangang patuloy na umuunawa kahit na mayroong mga intrigang kinakaharap ang aktres.

“Nagpapasalamat ako sa lahat talaga kahit ‘di ako nag-e-effort na pasayahin kayo. Naa-appreciate ko ‘yon at natutuwa lang din naman ako. Pero para maging clear ang lahat, hindi ako kay Donny. Wala pong kahit sino sa showbiz na in a relationship ako,” giit ng dalaga. (Reports from JCC)

DONNY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with