^

PSN Showbiz

Willie, pini-pressure ng grupo ni Pres. Dutere na mag-senador?!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Willie, pini-pressure ng grupo ni Pres. Dutere na mag-senador?!
President Duterte
STAR/ File

Mukhang mahihirapan si Willie Revillame na mag-decide kung papasukin ba niya ang pulitika o hindi.

Ipinost ng GMA 7 ang video message ni Pres. Rodrigo Duterte na hinihiling nitong tumakbo siya para sa Senado.

Sabi raw kasi ni Sen. Bong Go, nagdadalawang-isip ito. Pero sabi ni Pres. Duterte sa kanya; “Ganunpaman, open ‘yung slot sa ‘yo until the last minute. Kung ayaw mo talaga, puwede na tayong mag-usap ulit.”

Nag-wish lang ang Pangulo sa kanyang prog­ramang Wowowin, at sinabi pa niyang bilib ito sa appeal ng TV host sa masa.

May nagkuwento rin sa aming namataan daw si Sec. Sal Panelo sa bahay bakasyunan ni Willie sa Puerto Galera nitong nakaraang weekend.

Maaaring nag-usap nga sila roon para kumbinsihing ituloy ang pagtakbo sa darating na election 2022.

Sa totoo lang, malaki ang iiwananang responsibilidad ni Willie sa kanyang prog­rama sa GMA 7 kung papasukin nga nito ang pulitika.

Nasa kanya naman ang lahat na desisyon kung itutuloy niya o hindi.

Nadine at Viva, parehong nagdeklara ng panalo sa korte

Naglabas ng order ang QC-RTC na kailangang sundin ni Nadine Lustre ang existing contract nito sa Viva.

Iyon ang napagdesisyunan ng korte kaugnay sa kasong isinampa ng Viva laban sa aktres.

Sabi ng abogado ng Viva na si Atty. Paolo Roxas; “With the Court’s ruling, Nadine is precluded from entering into and/or performing contracts involving her services as an artist/endorser, without the consent and participation of Viva.

“As provided by her contract, any issue raised by Nadine against Viva should be the subject of arbitration proceedings.”

Mahaba ang paliwanag sa inilabas na decision ng korte kaugnay sa kasong ito.

May inilabas naman na statement ang legal counsel ni Nadine na si Atty. Lorna Kapunan.

Aniya; “Court denied Viva’s claims for attachment and garnishment of Nadine’s hard earned earnings and her Bank accounts-this is a Victory for Nadine.

“The Court however granted Viva a Status Quo order in consideration of rights of Third parties prior to Nadine’s termination of its Contract with Viva—but the issue of whether there still is a valid Contract between Viva and Nadine was not decided by the Court which said that this issue is subject to arbitration proceedings and not the court.

“Nadine has fulfilled and continues to respect the prior contracts with Third parties even after she terminated the Agreement with Viva for various material breach committed by Viva.”

Dahil sa desisyong ito ng korte, inaalam pa namin kung matutuloy ba ang concert ni Nadine na Absolute Madness?

Nakatakda ang streaming nito sa Kumu Live sa July 3 ng 5:30 ng hapon.

Ang Careless Music ni James Reid ang producer nito na kasama rin sa concert at ilang artists pa ng Careless Music.

Guwapong MAY EDAD NA aktor at baguhang aktres, nagkatikiman sa lock-in?!

Totoo kaya ang nakarating sa aming usap-usapang may nangyaring tikiman daw sa guwapong veteran actor at ng maganda at napakabatang baguhang aktres?

Magkasama ang dalawa sa isang drama series na tini-tape nila ngayong naka-lock in sa isang resort.

Maaaring dala ng pagkabagot sa ilang linggong lock in, nagkagustuhan at nagkatikiman sila.

Hindi pa maikuwento ng aming source ang buong detalye dahil tsismis tsismis pa lang naman daw. Pero malaki ang daming nagulantang sa tsismis na ito dahil mas matanda pa ang mga anak ni veteran actor sa baguhang young actress na ito.

Aalamin pa namin kung talagang true ito o hindi!

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with