_ngayon
^
Probinsyano âdi pa rin tatapusin, pinapa-extend na uli?!
Coco

Probinsyano ‘di pa rin tatapusin, pinapa-extend na uli?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2021 - 12:00am

May mga kumalat na memes tungkol kina Vice President Leni Robredo at Congresswoman Vilma Santos, pagkatapos pangalanan ng 1Sambayan na isa si Congw. Vi sa kinu-consider para sa pagiging Presidente o Bise Presidente sa darating na eleksyon.

Kaya mga nag-post na ng tandem na Leni at Vi. Nandiyan ang logo ng LV, at LeVi’s.

Pero pagkatapos ng announcement na iyon mula sa 1Sambayan, kaagad nag-post si Ate Vi sa kanyang Instagram account ng kanyang statement kaugnay dito.

Aniya; “I sincerely thank 1SAMBAYAN for conside­ring me. I have no plans for 2022. I am focused in assisting Lipa City in its vaccination program and in providing assistance to families who need it most.”

Pero inaasahang marami pang maglalabasang kuwento niyan.

May mga mababago pa, kaya abangan na lang natin ‘pag malapit na ang filing of candidacy sa darating na October.

Isa nga sa nababalitang may balak sa 2022 elections ay si Coco Martin.

Kaya malapit na raw tapusin ang kanyang Ang Probinsyano.

Pero ang latest na nabalitaan namin, mukhang mai-extend pa rin dahil marami pa raw kailangang i-tackle sa kuwento.

Sa katunayan, si Ara Mina na malapit nang ikasal ay pinayagan lang daw na lumabas sandali sa lock-in taping at pagkatapos ng wedding nila ni PITC Undersecretary Dave Almarinez ay babalik din siya sa set ng Ang Probinsyano.

Kaya abangan na lang natin ang announcement nila tungkol sa ending nitong teleserye ni Coco.

Barbie at Jak, ‘hiwalay’ muna!

Maganda at sinisimulan na ngayon ang pagpapabakuna sa mga taga-entertainment industry.

Nasa social media nga noong Sabado ang magpapabakuna ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, pati ang magkasintahang Rico Blanco at Maris Racal.

Mukhang tuluy-tuloy na ang setup na lock-in taping/shooting at tinatapos na ang ang buong season ng isang drama series sa loob ng lock-in taping.

Kaya nga adjusted na ang magka­sintahang Barbie Forteza at Jak Ro­berto na matagal silang hindi magkikita kapag may naka-lock in taping ang isa sa kanila.

Masaya si Barbie dahil bumalik na raw sa trabaho si Jak. Magsisimula na ito ng drama series niya at nakatakda na siyang ipasok sa lock-in taping.

Madali naman daw ang adjustment sa kanilang magkasintahan sabi ni Barbie, basta may internet lang.

“Video calls and 100 percent trust,” pakli ni Barbie nang tinanong ko siya sa nakaraang mediacon ng All-Out Sundays kung paano ang adjustment nila ni Jak kapag isa sa kanila ang nasa lock-in taping. “Pero more than that, I am so happy for Jak kasi finally, may show na siya ulit. Sobrang na-miss niyaNG umarte.

“Lagi niya nakukuwento sa akin, excited na siyang mag-taping, excited na siyang umarte ulit. I am very happy for him and ‘yun lang naman ang adjustments, ang tiwala and internet connection,” dagdag niyang pahayag.

Ganundin naman kina Ruru Madrid at Bianca Umali.

Matagal-tagal ding nasa lock-in taping si Bianca sa Legal Wives, at malapit na ring ipasok sa lock-in taping ng Lolong si Ruru.

Saad ni Ruru; “Kami naman pong dalawa, ang number one priority is work. Right now, parehas kami nabibigyan ng magagandang projects, that’s why naka-focus kami dito. But at the same time, hindi namin napapabayaan ang mag-usap kahit papaano. But dun po sa dapat right on time… you do this, you do that, wala naman po kaming ganun.”

Ang mahalaga naman daw ay may unawaan sila ni Bianca at hindi nakakaabala sa trabaho ang kanilang relasyon.

“I guess, dapat lang na maging understanding kahit naman sino sa relationship na nagla-lock in kasi we’re not there to enjoy and magbakasyon. We’re there to work,” sabi pa ni Ruru.

Aminado ang Kapuso actor na habang papalapit na ang pagsisimula ng kanilang taping sa Lolong, lalong nadagdagan ang pressure sa kanya.

“Of course, nandun po ‘yung pressure, nandun po ‘yung kaba, ‘yung takot, but still kailangan pa rin po natin pangibabawan ‘yung excitement. Not necessa­rily, tanggalin mo ‘yung kaba or pressure, tanggalin mo ‘yung kaba or ‘yung takot. I know you can use it sa magandang pamamaraan. Kailangan ko talagang ibuhos ang lahat na magagawa mo.

“It’s been three years na pagplano na po. So right now, we have to focus to this project na kailangang makapagbigay ng magandang proyekto na mapapanood para sa ating pamilya,” saad ni Ruru Madrid.

COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with