_ngayon
^
Jasmine, nasungkit na rin ni Maja
Jasmine

Jasmine, nasungkit na rin ni Maja

Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2021 - 12:00am

May post sa Instagram si John Lloyd Cruz na larawan nina Jasmine Curtis-Smith at Maja Salvador na magkasama at “Bituin” ang caption. Ang Crown Artist Management nina Maja, Rambo Nuñez at kanilang business partners ang bagong talent management ni Jasmine ngayon.

Kinumpirma ni Jasmine ang pagpapalit niya ng manage­ment company sa post na “To new beginnings at @crownartistmgmt” at kinowt ang German theologian at philosopher na si Meister Eckhart sa sinabing “And suddenly you know: it’s time to start something new and trust the magic of new beginnings.”

Dahil pareho na ng manager at may kontrata sa GMA Network si Jasmine at magkakaroon ng sitcom sa Kapuso Network si John Lloyd, hindi malayong magsama sa isang project ang dalawa. Hintayin natin ang araw na ‘yun!

DongYan, Ipinagtanggol sa isyung sumingit sa pila

May mga lumabas na mga larawan na nagpapatunay na pumila sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa pagbabakuna nila sa Venice Grand Canal Mall sa Taguig. Kabaligtaran sa rant ng ilang netizens na sumingit at inuna ang DongYan kahit may mga senior na nakapila.

May nag-post ng litrato na nakapila ang Dongyan at kasama pa nga nila sa pila si Boobay na kasabay nilang nagpabakuna. May isa ring netizen na nag-post ng picture at ipinagmalaking nasa likod niya sa pila ang DongYan at si Boobay.

Si Dingdong, nag-post din sa kanyang IG Stories ng larawan nila ni Marian kasama si Kim Atienza at may caption na “Waiting in line with @marianrivera and @kuyakim_atienza” at nakapila nga sila.

Nagsinungaling kung ganoon ang nag-post na late na dumating ang Dongyan at su­mingit pa sa pila at inunang bakunahan. May mga naniwala at ‘yun, na-bash ang DongYan, kaso may mga naglabasang ebidensya na pumila sila.

Kiko at Heaven, pinatunayang matagal na ang relasyon

Ang feeling ng mga nakakita sa mga litrato nina Kiko Estrada at Heaven Peralejo habang nasa Boracay ang dalawa, matagal na ang kanilang relasyon. Dahil ito sa sobrang komportable raw ang dalawa sa isa’t isa.

May picture pa na parang may nakaharang na screen sa kanila at ang sabi, nagpa-tattoo raw si Heaven. Sa litrato, nakahiga si Heaven habang tinatatuhan ang right ankle yata habang nasa tabi niya si Kiko at nakaalalay.

Obviously, nakita ng kapatid ng ex ni Kiko na si Devon Seron ang mga lumabas na litrato nina Kiko at Heaven at nag-tweet ng “San pala yung mga cheapmunks na naghahanap ng resibo?” sinundan ng “Dami kong resibo lagpas bente. Maitapon nga sa mga BASURA kaso wala pa ata mga GARBAGE CHEAPMUNKS COLLECTOR” at “The fact that they didn’t wait a year imba.”

Matatandaang ang nasabing kapatid din ni Devon ang nag-tweet na may ibang girl na si Kiko na pinalagan ng kampo ni Heaven at inakusahan pa ng harassment. Tahimik kasi si Devon, kaya ang kapatid niya ang lu­malaban para sa kanya.

Carla lumipat na sa management ni Tom

Magkasama na ang engaged couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana sa Luminary Talent Management ni Popoy Caritativo na siyang manager ni Tom. Sinabay ni Popoy sa birthday greetings niya kay Carla ang pag-a-announce at pagwe-welcome niya sa aktres sa Luminary.

Wala pang sinasabi si Carla sa pagpapalit niya ng manager, nasa lock-in taping yata ito ng GMA 7 series To Have and To Hold dahil nasa kanyang IG Stories. Matagal ding talent ng ALV Talent Circuit ni Arnold Vegafria si Carla at sa birthday nga ni Carla noong June 12, may birthday greetings pa sa kanya ang ALV.

JASMINE CURTIS-SMITH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with