_ngayon
^
Angel, seryoso sa pagbibilang ng calories para pumayat
Angel
STAR/ File

Angel, seryoso sa pagbibilang ng calories para pumayat

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaabangan na ngayon kung paano papayat si Angel Locsin.

Posted sa social media ang first day ng kanyang diet kaya naman maraming na-goodluck sa actress.

“I’m gonna record this because today is the first day of my Doctor Food diet. After so many years, I finally decided to go back and try Dr. Food,” aniya.

“Mukha siyang konti because I’m on a 800-calorie diet and according to my nutritionist ‘yun ang kailangan to achieve my goal. So please bear with me and wish me good luck,” dagdag pa ng aktres.

Samantala, ipagdiriwang ng public service show niyang Iba Yan ang ika-una nitong anibersaryo sa pagbisita ni Angel sa Covid-19 survivors at pagbibigay pugay sa mga medical at non-medical frontliners na patuloy na nakikipagsapalaran para tulungan ang bayan na sumulong sa gitna ng pandemya.

Bibisitahin ni Angel ang mga nurse at utility personnel ng Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium sa Caloocan City, ang pasilidad na may pinaka-malaking bed capacity para sa Covid-19 patients. Makikilala rito si Gregnon Melindo, isang nursing attendant na nagkaroon ng Covid-19  noong Marso ngunit hindi pinaalam sa kanyang pamilya para hindi sila mag-alala.

Habang nasa isolation, namatay ang kanyang asawa dahil sa cardiac arrest. Nagtratrabaho pa rin si Gregnon sa nasabing ospital, pero nagbebenta rin ito ng polvoron para madagdagan ang pantustos sa pamilya.

Wala namang update kung nakapag-bakuna na si Angel.

Kasalukuyan nang abala sa paghahanda si Angel at Neil Arce para ituloy na ang naudlot nilang kasal.

ANGEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with